"Hold me close, through the night don't let me go, we'll be all right, touch my soul and hold it tight I've been waiting all my life." - Tori Kelly & Ed Sheeran, I Was Made For Loving You. Make You Mine. *** Ivy Vargaz. Napangiti ako nang makita ang aking Ina na umiiyak habang tinutulungan akong isuot ang aking wedding gown. "Mama Bear! Bakit ka naman umiiyak? Kasal ko po ngayon, remember?" I reach for her hand saka ito hinila sa tabi ko. Sakto rin namang naisuot na nila sa akin ang engrandeng gown na ito. My gosh, ang sakit n'ya sa bangs isuot. Ewan ko ba kung bakit ito pa ang napili-pili ng aking mother-in-law na isuot ko, eh. Kung ako lang ang masusunod ay okay na ako sa simpleng white dress lang. Kumuha ako ng panyo saka marahang pinunasan ang luha sa mata ng aking