"Somethin' 'bout you
Makes me feel like a dangerous woman."
- Ariana Grande, Dangerous Woman.
Dangerous Woman.
***
Arabella Martinelli.
I did meant what I said to Ivy yesterday, na magkikita muli kami, at heto ako pababa na sa kotse ko at may bitbit na breakfast for my Ivy baby. Halos maubos ko ang laman ng nadaanan kong starbucks kanina dahil sa dami kong biniling pagkain at coffee. Binili ko na rin ng pagkain ang ibang mga pulis. Pampalakas kumbaga. Para kung sakaling a-ayawan ako ng baby ko, which I knew she will, may back-up ako sa mga kasamahan niyang pulis.
Smart yeah?
May ngiti sa labing sinukbit ko ang suot kong black sunglasses sa ulo ko at ginawang headband ito at habang naglalakad ako papasok sa presinto kung saan nag-ta-trabaho si Ivy, lahat ng mga kalalakihang pulis na pumapasok at lumalabas sa presinto ay napapatingin sa akin. Ang iba ay napahinto pa at sinundan ako ng tingin.
Napangiti ako ng kaunti. Yep, I can't blame them. Masyado akong maganda I know.
"Hindi ba si Arabella Martinelli iyon? 'Yong sikat na singer?" rinig ko pang tanong ng isang lalaking pulis sa kasamahan n'ya before I reach the entrance of the police station.
I smiled seductively nang mapatingin lahat ng police sa akin nang makita nila ang kagandahan ko.
Kita ko pa kung paano nila ako tignan mula ulo hanggang paa at may iba pang mga sumipol.
My lips form a small smirk when I saw my Ivy baby frowning at me.
"Hi, good morning. Breakfast?" Nakangiting tanong ko sabay taas ng mga hawak kong paper bags.
"Whoa. May kape ba diyan?" tanong ng isang lalaking police na may katabaan.
"Yes! Hulog ka nang langit. Salamat. Salamat. Sakto hindi pa kami nakakapag kape." wika ng isa pang lalaking police na sa tingin ko ay nasa 30's na. This one is fit and muscular.
"Yes, and so with bread and such. I buyed a lot, so, dig in. But in one condition though."
Napatingin lahat sila sa akin nang lalapit na sana sila sa mga pinatong kong paperbags sa isang lamesa.
"Ano iyon?" takang tanong ng isang babaeng pulis na prenteng naka-upo sa table n'ya.
I didn't say anything, I just pointed my finger at my baby.
Kunot noo lahat silang napatingin sa direksyon kung saan ako nakaturo. At nang makita nila si Ivy, napuno ng "Ah." at "Oh." ang presinto habang tumango-tango sila. Mukhang alam na nila na gusto ko ang kasamahan nila pero hindi sila makasalita dahil ang sama na nang tingin ni Ivy baby ko sa akin.
"Anong gusto mo?" taas kilay na tanong n'ya.
Ouch! Parang naman akong masusugat sa talim ng tingin n'ya sa akin ha?
"Ikaw." I said with a grin.
"Ayiieee." tukso naman ng mga kasamahan nilang pulis sa baby ko.
"Tumahimik nga kayo diyan," Bulyaw n'ya sa mga ito saka ito tumikhim at bumaling muli sa akin.
"Miss Martinelli, wala akong balak makipaglaruan sa 'yo at wala rin akong balak makipag-date sa 'yo. Ayan ang pinto, bukas 'yan para sa 'yo, kaya maari ka nang umalis." maanghang na wika n'ya.
Napahawak ako sa dibdib ko, as if I was stab in the heart. My mouth form an 'O' shaped. "Ouch. Ang harsh mo naman, Ivy baby. I'm just offering these food as a peace offering. A sorry gift for what I've done with you yesterday,"
Tinignan ko ang mga kasamahan niyang pulis at kinuha ang mga paperbags sa lamesa, "Total, ayaw naman ng kasamahan ninyo na tanggapin ang sincere apology ko, itatapon ko na lang ang mga ito. Ciao, guys. Aalis na ako." akmang aalis na ako nang pigilan ako ng mga pulis.
Napangisi ako at pagharap kong muli sa kanila, I gave them a serious look. "What?" I acted like I snapped at them.
"Teka lang naman, Miss Martinelli. Sayang naman ang mga iyan kung itatapon mo lang," saad ng isang pulis at nangungusap ang kaniyang mukhang lumingon kay Ivy na busy na sa kaniyang binabasang folder.
"Master Sergeant, pagbigyan mo na kasi si Miss Martinelli. Sayang naman ang mga pagkaing dinala n'ya kung basura lang ang makikinabang 'di ba?" pangongonsensya pa n'ya sa baby ko.
Umangat naman ang tingin n'ya sa mga kasamahan niyang pulis saka n'ya tinaasan ng kilay ang mga ito.
I smirked inwardly. That's right. Konti na lang. Mapapa-oo rin kita, Ivy baby.
"Oo nga naman, Vargaz! Saka mukha namang sincere si Miss Martinelli, oh."
Pinalambot ko naman ang expression ng mukha ko para mukha talagang kapani-paniwala ako nang ituro pa ako ng isang kasamahan niyang pulis.
"'Di ba sincere ka naman, Miss Martinelli?" tanong pa n'ya sa akin. Mukhang gusto n'ya talagang makatikim ng masarap na kape at cake ng starbucks.
Napalabi ako at mas lalong pinalungkot ang mukha ko saka tumango-tango.
"Oh! 'Di ba? Kaya pumayag ka na." udyok pa n'ya.
"Oo nga, oo nga." sabay-sabay pa na sabi ng ibang mga pulis habang tumatango-tango.
Tinignan ko naman si Ivy baby na nagpalipat-lipat ang tingin sa mga kasamahan niyang mga pulis. At hindi ko mapigilang mapangisi nang mag-landing ang tingin n'ya sa akin at hindi n'ya talaga tinatago ang nararamdaman niyang inis sa akin, paano naman, ang talim talaga ng tingin n'ya sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin, panigurado kanina pa ako nakabulagta rito.
Matagal n'ya akong pinakatitigan at hindi naman ako naglihis ng tingin sa kaniya. I like staring at her beautiful amber eyes.
Ilang sandaling titigan moment pa ang nangyari bago niya ako pinaikutan ng mata saka walang nagawang napabuga ng malalim na hininga saka tumango-tango. "Sige na, sige na. Tinatanggap ko na ang 'apology' mo."
"Ayun! Puwede na kaming kumain?" excited na tanong ng isang lalaking pulis na may mga pimples pa sa mukha. Malapit s'ya sa lamesa kung nasaan ang mga dala kong paper bags.
Ngiting tagumpay akong tumango-tango at bago pa nila dumugin ang mga dala ko, kinuha ko kaagad ang isang paper bag na para lang sa baby ko.
Nilapitan ko s'ya at pinatong ang paper bag sa table n'ya. Kunot ang noong umangat ang tingin nito sa akin.
She gave me a quizzical look with matching one eyebrow raised. "Para saan naman 'yan?" masungit na tanong n'ya.
I offer her a warm smile, "Peace offering ko nga sa 'yo,"
Umupo ako sa isang white monoblock chair na nasa tabi ng table n'ya saka ko inilabas ang isang frappe coffee and one slice of cake.
"Here, eat up." Inusog ko ang mga ito sa kaniya.
"Kumain na ako. Sa 'yo na lang 'yan." sambit nito saka bumalik muli sa pagbabasa sa hawak nitong folder.
"Nope. Hindi pa s'ya kumakain." sabat ng isang baritong boses.
Napatingin ako sa lalaking pulis na nagsalita, hindi malayo sa table ni Ivy baby ko. Namumukahan ko s'ya. Siya 'yong lalaking humuli at nagtulak sa akin papasok sa police car nila kahapon.
"What the hell, Geoff?" Ivy baby snapped at him.
Nagtaas naman ng dalawang kamay sa ere iyong tinawag niyang Geoff habang may ngiting naglalaro sa labi nito.
Guwapo iyong Geoff. I'll give him that. May kamukha siyang Filipino na artista at kung hindi ako nagkakamali, Tom Rodriguez ang pangalan n'ya.
"Just saying," sambit pa ni Geoff.
Palihim akong nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa.
Magkasintahan ba silang dalawa?
Napakunot noo ako sa thought na 'yon. Hindi ko nagustuhan ang naisip ko tungkol sa kanilang dalawa.
I chose not to overthink this. Kinuha ko na lang iyong straw ng frappe at nilagay sa loob saka ito inilapit sa mapupulang labi ng baby ko. "Here, drink it. Ako na ang magpapakain sa 'yo kung ayaw mo."
Sinamaan n'ya ako ng tingin. Napatawa ako at mas lalong inilapit ang hawak kong frappe sa labi n'ya.
"Don't look at me like that, Sayang."
"Sayang ka nang sayang, hindi naman nga ako indonesian." reklamo pa n'ya pero sa wakas, ininom na rin n'ya ang i-no-offer kong frappe sa kaniya.
I felt happy when she sipped the frappe. Gosh. This feels so brand new. I never felt this happiness just by seeing a woman sipping my offered frappe to her.
"O sige, kung ayaw mo ng sayang. Ivy baby na lang. Your choice."
Sinamaan n'ya ako ng tingin at biglang inagaw ang frappe sa kamay ko. Pero in a gentle way pa rin naman.
I didn't know that it can be possible to be gentle even if she's acting like a violent person.
"Wala akong pipiliin. At ako na, kaya ko nang pakainin ang sarili ko. Salamat pala."
Napangiti ako ng malawak nang parang nahihiya siya nang magpasalamat ito sa akin.
"You're welcome. So, this is our first date then. Not bad. But anyway, I want to invite you to a second date tomorrow. I want to get to know you more." walang preno kong sabi.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. I'm a very direct person. Sasabihin ko ang nais ko nang walang pag-aalinlangan. No one can stop me from saying anything that I like to say. And no one can stop me from getting to know this beautiful woman in front of me.
Kita ko kung paano mahulog ang panga ni Ivy sa pagiging blunt ko.
I chuckle. "Look, Ivy. I like you, and when I like someone, I'll do anything to get that person, either by hook or by crook. So, if you say no, I'll pester you until you say yes to my plea. But to save us both the time, why don't you just agree to date me?"
Rinig kong natawa iyong Geoff but I didn't pay him no mind. I just stare right through those amber eyes filled with shock.
She's clearly taken aback by what I said. At hindi ko mapigilang mapangisi nang unti-unting kumukunot ang noo n'ya saka niya ako tinaliman muli ng tingin.
"No," sambit n'ya sabay iling pa ng kaniyang ulo.
"No?" hamon ko pa.
Kumibot ang gilid ng labi n'ya. "My answer is no. I'm not gonna date you, Miss Martinelli."
My eyebrows quirk in amusement. "I accept the challenge then. I hope you can handle someone like me though."
Ivy crossed her arms across her chest. "Oh. Easy."
My lips form into a smirk, "Just so you know, Ivy baby, I don't come easy."
"Really?" she asked, obviously challenging me.
"Hmm." I hummed with a simple nod of my head.
"Okay, whatever you say." She singsong.
My forehead creased a little. "Wow. There's so much uptight in that little body of yours huh?"
"I'm not uptight," she snapped, "masyado lang talagang mataas ang tingin mo sa sarili mo."
Napataas ang dalawang kilay ko. "Well, I know for a fact that you like me. I felt it when you kissed me yesterday." I said as I wiggle my eyebrow playfully.
Nangingiti siyang napapailing sa akin. Her smile is mocking. I can clearly see that.
"How did you know that then?"
"I know women." I proudly said with a quirk of my eyebrow.
She rested her back at her swivel chair comfortably. "You know women. Hmm. Why am I not surprised that you said that?" she said with a mocking laugh.
Nawala bigla ang mapang-inis kong ngisi sa labi at napakunot ako ng noo.
"Hmm. I see. You know what I think? You looked like the kind of woman who's interested in a one day rental. If you know what I mean. But if you know anything about women? Or anything about me, you know that I'm perfectly capable of choosing the best for myself. And I chose the best for myself right now which is saying no to your plea. But thanks for the breakfast though, but I'm not interested in you."
That leaves me speechless. Whoa. Talk about flat rejection. Napahiya ako duon ah?
My mouth formed a perfect shape of an 'O'. And with just a blink of an eye, Ivy is nowhere to be found. Again.
What the hell?
******
"Zell, please run a background check on SPO1 Ivy Vargaz. I want to know about her likes or dislikes, what makes her smile, what makes her cry, best friend and family members. Basically everything is important,"
Zell eyed me while he's in front of his four monitor computer.
"And who was she sleeping with recently." dagdag ko pa.
The smile on my lips never falter. Hanggang ngayon kasi naiisip ko pa rin ang interaction namin ni Ivy sa presinto, tatlong araw na ang nakakalipas.
Yes, it's been three days since she burned me with her words. But I'm not backing out. In fact, I'm all the way in.
Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo.
"Are you sure about this? About her?" Zell asked. I hint worry in his deep baritone voice.
"Yes. Very." I answered with a smirk.
Zell shrugged, "Okay. I'm just asking. She's a police officer after all. Police are dangerous."
I let out a meh sound. "I'm not worried. Not in the slightest. I mean, look at her," Turo ko sa isang monitor screen ni Zell kung saan may picture ng baby ko roon.
"She looked innocent, warm and fragile. I don't think she can even hurt a fly, Zell."
Napapalatak na lang si Zell habang naiiling. "Ayan ka na naman. You can't read someone's personality like they're just a book, you know? But anyway, here's some information that you might want to know at the moment," Zell pointed the screen of the monitor in the middle kung saan kita si Ivy baby ko sa isang outreach center malapit sa isang isla.
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko habang pinapanood ang baby ko sa pamamagitan ng CCTV camera ng outreach center. Nagbibigay s'ya ng mga pagkain sa mga bata sa orphanage at ang saya-saya n'ya sa kaniyang ginagawa.
Tinapik-tapik ko ang balikat ni Zell, "Good job, brother. I'll be going now. Call me when you're finish."
Hindi ko na s'ya hinintay na makasagot pa, tumakbo na kaagad ako sa kotse ko at pinasibad ito patungo sa outreach center kung nasaan si Ivy baby.
I can't seems to stop smiling habang binabaybay ko ang daan patungo kay Ivy baby ko. It gives me so much excitement knowing na makikita ko muli s'ya. I'm sure this is going to be fun.
I was grinning from ear to ear when I made it in the outreach center. Napakaraming bata ang nandidito ngayon at kasakuluyan silang nakaupo sa maliliit na silya at nasa harapan si Ivy baby at may hawak itong mga flash card; nagtuturo ito ng ABC sa mga bata.
Sakto may nakita akong diyaryo kanina pagpasok ko sa outreach at ito ang ginagamit ko ngayon para hindi ako mahagip ng tingin ni Ivy baby.
"Okay, kids, anong letrang ito?"
Gosh. Napapapikit ako sa ganda ng boses ng baby ko.
Kita kong maraming nagtaas ng kamay sa mga bata. While I? I'm just skim reading this damn news paper in my hand. My ears are open wide though, so with my peripheral view.
"Letrang 'U' po, Ate Ivy." bibong sagot ng isang batang babae na sa tingin ko ay nasa apat na taong gulang na, nasa may bandang likuran ito, hindi malayo kung nasaan ako nakatayo kasama ng mga tauhan dito sa outreach.
Marami rin naman nakatingin sa akin dahil sa suot kong mini skirt and tank top. Litaw na litaw ang kaputian ko kaya halos ng mga lalaki ay nakatingin sa legs ko. Though no one dares to talk to me dahil napakaraming pulis ang nakapalibot sa outreach center.
"Very good, Beca! Meron bang makakapag bigay na salita gamit ang letrang 'U'?" malumanay na tanong nito sa mga bata.
I smiled. This is my cue.
"A very good example word for letter 'U' is Uptight which is you, Ivy baby." sagot ko sabay baba ng dyaryong hawak ko.
Lahat ng mga tao at mga bata ay napatingin sa akin at napuno ng gasp and chatter ang buong silid nang makita ako.
Well, I can't blame them. Sa ganda kong 'to? Plus points na lang ang kasikatan ko bilang singer, businesswoman and model.
But in all the gasp and silent chatter of people around the room, I still heard a violent 'Ugh' sound coming from my baby's mouth.
"Unbelievable." I saw her whisper under her breath as she rolled her eyes annoyingly at me, which just made my smile even more wider.
Gosh, she's so fun to play with.
Naglakad ako patungo sa harapan, palapit sa kaniya and while doing so, may mga sumipol pa nang makita ang kabuuan ko.
"Hi." pagbati ko sa baby ko with a huge smile plastered on my lips.
"Bakit ka nandito? Are you following me?" maanghang na tanong n'ya.
I shrugged my shoulders nonchalantly, acting like I don't know anything about what she's saying.
"I told you, I'm not gonna stop till I get you to date me." nakangising sagot ko.
Kita ko kung paano magtiim ang bagang n'ya.
"Seryoso ka ba?" She hissed, glancing at the children in front of us and gave them a warm smile before she faced me again, giving me a warning look.
"Yes. I'm very serious right now. So, what do you say, yes?" I asked with an overflowing confidence.
She sharpened her eyes at me then shook her head no. "No thanks. Puwede ka nang umalis."
I mockingly shook my head. "Alright then. I think, I'm gonna stay and watch you talk about letters and such. Might as well, join you then," Humarap ako sa mga bata.
"Gusto n'yo ba akong mag-stay at tulungan si Teacher Ivy ninyo?"
"Opo!" Sigaw ng mga bata. They're clearly happy to see me. 'Di tulad ni Ivy baby ko na nangangasim ata ang sikmura kapag nakikita ang magandang pagmumukha ko.
I saw Ivy took a long sigh as she tried her very best to stay calm.
Natatawa ako sa loob-loob ko.
"See? They want me to stay, so, I'll stay. Akin na, tulungan na kita diyan." Akmang kukunin ko ang flash cards sa kamay n'ya nang hawiin n'ya ito.
"Don't touch my flash cards." She said, warningly.
I gave her a challenging look, "I don't think flash cards like this can handle a woman like me." I said it more to her. I'm not talking about the flash cards though and she knew it.
Nang-uuyam itong lumapit sa akin, "I think it could,"
"Really?" hamong sambit ko.
"Easily." sagot naman n'ya.
Gosh, she's so hot. I'm so tempted to kiss those rosy lips of hers.
"Prove it. 8 pm, Animone Club, Looc Bypass Road, Dumaguete City,"
She mockingly laughed at me. "I don't think so." She said with a shook of her head.
Napapalatak ako at nagkibit balikat. "Okay, I guess I'm gonna stick around a bit longer watching you talk about letters."
She rolled her eyes toward me, "If I say yes, will you stop? This is my job, Martinelli."
I form a smirk as I stare right through those beautiful sparkling amber eyes of hers.
"8 pm, tomorrow." I reminded her.
"Fine." masama ang loob na sagot n'ya.
My smirk widened even more.
"Fine."
"Fine." She said in a barking manner.
Hmm. Mukhang nagagalit na talaga ang baby ko. I guess this is my cue to leave then.
But before I even walk away, I invade her personal space then snipped her scent.
"Hmm. You smell nice." I whispered then wink at her.
Hindi makapaniwalang lumingon ito sa akin and the look in her eyes scream murder. So, before I even get murder by my baby, I took my sweet leave with a victory smile plastered on my lips.
******