"You're my every reason You're all that I believe in." - Shane Filan, Beautiful in White. Going Somewhere? *** Ivy Vargaz. "Are you kidding me?! Submarine! Ibalik mo ako ngayon din sa Pilipinas, gago ka!" Gigil na gigil kong sigaw habang pinagpapalo ito sa sobrang galit na nararamdaman ko sa kaniya ngayon. How dare she! Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, panigurado ay kanina pa s'ya nakahandusay dito. Sinasalag lang naman n'ya ang mga atake ko habang tahimik lang itong nakatitig sa akin. "Ibalik mo na ako!" ungot ko pa. Paiyak na ako ngayon dahil sa sobrang galit ko. "I can't do that. Sorry," bulong n'ya habang hinahayaan lang akong mag-hi-hysterical dito. "Ayoko! Ayoko! Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!" Prenteng nagkibit-balikat ito. "Okay, go. But o