"Hold me close 'til I get up, time is barely on our side, I don't wanna waste what's left." - Cartoon, On and On. Matching Tattoos. *** Arabella Martinelli. "Lunchtime na pala 'no? Geez, hindi ko na namalayan ang oras. Ang sarap pa lang mag-paddleboarding sa dagat. Nakakarelax." Nakangiting sambit ni Ivy sa akin habang pinupunasan nito ang basa nitong buhok at katawan dahil after naming nag-paddleboarding kanina ay nag-snorkeling din kami where we both feed lots of cute fishes. Inabot ko ang sunglasses nito na nasa beach chair saka ko iyon pinasuot sa kaniya. Baka kasi may makakilala sa amin. Kanina lang ay muntikan na kaming mahuli ng isang namukhaan kong isang tauhan ng Trinity. Laking pasasalamat ko talaga at pinili ko sa field kaysa puro meeting lang, katulad na l