"Don't you play me for a fool In this game, I own the rules." - Zayn Malik, Entertainer. Like A Hawk (Part 2) *** Ivy Vargaz. "Why are we here?" Mariing bulong ko kay Arabella habang naglalakad kami sa mahabang black carpet na 'to. Damn, nakakailang na ang mga taong nakatingin sa amin na parang gusto na nila kaming iluto ng buhay. "At saka bakit may mga tattoo ng demonyong organisasyon na 'yon dito? Anong binabalak mo?" naiinis na ako ngayon sa kaniya. Namamawis na ang palad ko dahil hindi talaga ako komportable dito. Feeling ko ay isinampal sa akin ni Arabella ang kinatatakutan kong mangyari; ang makaharap ang organisasyong iyon. She leans in at me then whispered, "I brought you here for a reason. Those girls that you saw that has a tattoo of Los Zetos? Thos