SUMILAY ang ngiti sa kanyang labi nang marinig niya ang sinabi ko sa kanya. “This necklace, Anna... Galing sa dad ko. Sa necklace na ito ay naka-engrave ang initial ni dad na 'AS', Amand Santibanez.” sabi niya sa akin at kinuha niya ang necklace na hawak ko. Pinakita niya sa likod nuʼn ang sinasabi niyang initial na 'AS'. “Same sa necklace na suot mo ngayon, Anna. May 'AS' din ang suot mo, right?” tanong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko kaya tinanggal ko ang suot kong necklace. Tinalikod ko ang necklace ko at nakita ko ang tinutukoy niya. “Ha?” bukambibig ko. “You are the one we have been looking for, for a long time, Anna. We found you because of Ken's help. Also because of the help of this necklace,” she told me. “Because a necklace like mine was given by dad to your mommy, Anna