HINDI ko namalayan nakaka-isang buwan na pala ako as secretary ni Mister Kenta. Nakaka-adjust na rin ako sa work ko kahit hindi related ito sa course na kinuha ko. Ang bilis lumipas ng araw. Ganoʼn siguro talaga kapag masaya ka, ano? Pero, natatakot ako baka itong sayang nararamdaman ko ngayon ay may kapalit. Huwag naman sana. Napatayo na ako nang makitang mag-la-lunch break na. Nandito ngayon si Mister Kenta sa office room niya kaya sabay kaming kakain ng lunch. Bago ako pumunta sa office niya ay inikot ko muna ang sign board dito sa may pinto na 'Lunch break' para hindi na sila tumuloy. Lumakad na rin ako papunta sa office room ni Mister Kenta dala ang ibang papeles na need niyang pirmahan at busisiin mabuti kung approve or disapprove sa kanya. “Lunch break na po, my boo!” mala