NANG makauwi pala ako galing sa Treasureʼs Wine ay umakyat na rin ako sa room namin ni Mister Kenta. Sasabihin ko pala ang tungkol sa plan namin nina Isa and Kesha this Saturday baka mag-aya iyon ng lakad din. Nang makapasok sa loob ng room niya ay binuksan ko ang lahat ng ilaw at dumiretso akong lumakad sa bathroom. Need ko agad maghilamos para makakain na ng dinner. Hindi ko kasi alam kung gagabihin ba si Mister Kenta ngayong araw. Wala naman siyang text or chat sa akin. Nang makapaghilamos na ako at nakapagpalit ng terno kong pajamas na pusa ang design ay bumaba na rin ako. Naghihintay na pala ang dinner ko ngayong araw sa may dining hall namin. “Janice, may sinabi ba si Mister Kenta kung anong oras siya uuwi today?” pagtatanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at kiniling ang