CONTRACT #69

1815 Words

ILANG araw naʼng paulit-ulit na pumupunta si Mister Kenta rito sa hotel room. Sa hotel pa rin kami nakatira, mas comfortable kami rito. Ilang araw na rin niya kaming nilalabas ni Kade. Dinadala niya kami sa company nila, sa mall at sa zoo. Kaya heto, ilang araw na akong pagod dahil sa ginagawa niya. Hindi ko naman pʼwedeng iwan si Kade sa kanya. Hindi dahil wala akong tiwala kung ʼdi baka kung ano-ano ang ibili niya kay Kade. Katulad na nga lang nuʼng sports car, bumili talaga si Mister Kenta gamit ang perang binigay ni grandpa Kendrick kay Kade. Hindi ko alam kung si Kade ang pinaka-batang nagkaroon ng sports car dahil iyon kay grandpa Kendrick. Napapikit ako nang may mag-doorbell na naman. Mabuti na lamang ay maaga akong nagising at nagluluto na ako ng breakfast naming dalawa ni Kad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD