HINIHINTAY ni Storm si Jeni sa bahay nito dahil pauwi na raw ang kaniyang mag-ina ngayong gabi. Nag-set up siya ng isang dinner sa may garden kasama ng mga kasambahay. Kinakabahan siya at maraming mga tanong na gumugulo sa kaniyang isip. Hindi niya alam kung matatanggap ba siya ng kaniyang anak bilang ama nito. Marami siyang mga panahon na sinayang. Kailangan niyang bumawi sa kaniyang mag-ina at iparamdam sa mga ito ang pagmamahal niya. Nag-beep ang kaniyang cellphone sa bulsa niya na mabilis naman niyang sinagot. "Bro, ready na ang fireworks," ani Hatt na nasa kaniyang bahay lang. "Ready na rin ang mga balloons, dadalhin na ba namin riyan?" Napailing si Storm sa sinabi ng kaniyang kaibigan. "Sino bang may sabi na mag-set up kayo ng ganiyan? Hindi naman ako magpro-propose kay Jeni." Na