IKAKASAL na si Jeni kay Lucio matapos ang dalawang taon, inasikaso ng abogado ni Lucio ang lahat ng mga documents na kailangan niya sa pagpapakasal nilang dalawa. Kinakabahan siya habang nakasuot ng simpleng wedding dress na si Lucio mismo ang pumili para sa kaniya. Simple lamang ang make up niya at ang ayos ng kaniyang buhok. Hindi niya inakala na darating ang panahon na mangyayari ito sa buhay niya. Sino ba naman siya para maging special na kaibigan ng isang Lucio Yuan. Naglalakad na ang kaniyang isang taong gulang na anak. Si Mister Wong, Attorney Feng at Doctor Heng ang kanilang naging witness sa pagpapakasal nilang dalawa. Pumayag siyang halikan ni Lucio sa kaniyang mga labi para patunayan na mahal nila ang isa't isa. Kailangan na mapapayag nila ang wedding counselor na may relasy