Kalmado lang si Storm habang hinihintay ang paglabas ng resulta ng DNA test nila ni Janice. Nandito siya ngayon sa kaniyang bahay at kasama niya sina Cally at Janice na nakaupo sa sofa habang hinihintay niyang dumating ang private doctor na gumawa ng DNA test sa kanila ni Janice. Tatlong araw ang kaniyang hinintay para sa paglabas ng resulta. "Daddy, dito na po ba kami titira ni Mommy?" inosenteng tanong sa kaniya ni Janice. "Gusto mo bang tumira dito?" "Oo naman po, daddy. Gusto kong tumira sa ganito kalaking bahay parang kastilyo." Napangiti siya sa reaksyon ni Janice. "Kung ganoon p'wedeng-pwede kang tumira dito." Tumingin siya kay Cally na emosyonal sa tabi ng anak. "May isa pa naman akong bahay maliban dito... p'wede kayong tumira dito ng Mommy mo." "Ha? Ikaw po Daddy? Ayaw mo