Chapter 52

1415 Words

Sinundan ni Storm si Cally at Janice na lumabas ng gate nina Juvy. Sinundan siya ni Cold pero hindi ito lumapit sa kaniya. Nanatili itong nakatingin at nag-oobserba. "Cally, wait." Pinigil niya ang kamay nito at hinarap ang dating karelasyon. "Ayaw mo bang maniwala sa akin, Storm? Hindi mo ba talaga kami bibigyan ng puwang ni Janice sa buhay mo? Hindi pa ba sapat na umalis kami at lumayo na lang para hindi na masaktan? Sana na lang talaga hindi na kita nilapitan." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Cally. Tumingin siya sa bata na umiiyak din. Bumuga siya nang malalim. "Ihahatid ko na kayo kung saan kayo nakatira ngayon. Gusto kong... pag-isipan muna ang lahat. Cally, almost five years... hindi mo p'wedeng basta na lang sabihin na may anak tayong dalawa. Please, intindihin mo ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD