Baka Sakali Season 2 AiTenshi Nov 28, 2017 Part 39 "Ang akala ko ba ay ipag papatuloy mo ang pag aaral mo?" ang tanong ko kay Perla "Narealize ko na mas maraming oportunidad sa Japan. Yung mga kinikita ko doon ay hindi ko kikitain dito. Hangga't may pag kakataon ay gusto kong igrab ang mga dumarating." ang sagot niya. "Kung saan ka magiging masaya. Wala nang mas liligaya pa sa isang tao na nagagawa ang lahat ng nais niya. Mag ingat ka doon." ang tugon ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Kasabay ng pag babago ng panahon ay siya ring pag babago ng ihip ng hangin sa buhay ni Perla. Iyon ay noong mag desisyon siyang bumalik sa ibang bansa dahil napag tanto niya na ito ang kanyang nais gawin. Muli niyang inisang tabi ang makapag tapos sa pag aaral para sa kanyang nais na