Part 14

1587 Words
Baka Sakali AiTenshi   Part 14   "Mukhang masaya ka ngayon ha." ang puna ni Perla noong mag kita kami sa campus.   "Good vibes lang. Saka nakita ko si Stephen kanina." ang tugon ko   "Ah naka kota ang mata mo kaya ka happy. Ako rin happy." ang tugon niya sabay bitiw ng matamis na ngiti   "Bakit ka naman happy?" pang uusisa ko.   "Secret!" maaarte niyang sagot sabay hawi sa buhok na wavy.   Mapapansin mo talaga sa ibang tao ang saya, hindi man sa kanilang mukha kundi sa kanilang mga mata. Naka ngiti ang mga ito na wari'y kumikinang kapag iyong tinititigan. May iba naman na malungkot ang mata ngunit masaya ang mukha na parang pilit itinatago ang kakaibang emosyon dito. Sa makatuwid ang mata ay hindi nag sisinungaling, iyan ang nakikita ko sa mata ng aking kaibigan ngayon.   Alas 4 ng hapon noong matapos ang aming klase. Agad akong umuwi ng bahay upang mag bihis ng presentableng damit. Syempre ay hindi ko sinabi kay Perla ang tungkol sa pag iinvite sa akin ni Hubert dahil paniguradong sasama pa iyon sa akin at aagawan ako ng eksena. At upang makatiyak na hindi niya malalaman ay nag desisyon akong huwag muna mag text o tumawag sa kanya hanggang sa matapos ang meeting namin ni Hubert   Mag aalas 5 noong sumakay ako sa taxi patungo sa Coffee Shop. Pag dating ko dito ay nakita ko na nga itong si Hubert naka upo sa gilid malapit sa bintana ng shop at naka ngiti itong kumaway sa akin. Syempre ay kinawayan ko rin siya at nilapitan. "Hi, kanina ka pa?" ang bungad ko.   "Hindi, kadarating ko lang rin. Gusto mong tea? O kahit na anong inumin?" ang tanong nito   "Wow, talagang siya pa ang nag offer?" tanong ko sa aking sarili. "Ah e bottled water nalang, okay na sa akin iyon." naka ngiti ko ring sagot.   "Okay ako na ang bahala. Upo kana dyan." ang wika niya.   Hindi pa rin nawala ang ngiti sa aking labi, at pakiramdam ko ay may dumadaloy na kilig sa aking katawan. Mukhang ngayon lang yata ako makakatagpo ng isang tao na tanggap ako batay sa kung ano at sino ako.   Tahimik..   Habang nasa ganoong pag upo ako ay bigla na lamang ay kumalabit sa aking likuran. "Hoy Lino, anong ginagawa mo dito?" ang tanong ni Perla na aking ikinagulat. Naka suot ito ng bestidang puti at naka make up pa.   "Hala! Bakit nandito ka? Wala namang binyagan dito!" ang gulat kong tanong.   "Ikaw nga ang tatanungin ko niya. Naka polo ka pa, saan ka mag aapply ng trabaho?" ang tanong rin niya.   "Basagan talaga?" ang tanong ko rin.   "Woah, nandito na pala kayong dalawa. Nice! Ang mabuti pa ay lumipat na tayo doon sa mas malaking upuan." ang masayang wika ni Albert noong sumulpot ito sa aming harapan.   "Bakit parang double date?" ang bulong ni Perla   "Aba e malay ko, tanungin mo iyang damit mong pang international horror film." sagot ko naman.   Maya maya ay dumating na nga si Hubert dala ang apat na tea na small sized. "Salamat talaga sa pag punta ha. Akala ko hindi kayo sisipot." ang wika nito.   "Hindi nga kami masyadong nakapag handa." hirit ni Perla.   Natawa si Albert. "Nice. Mayroon sana kaming nais sabihin sa inyong dalawa." ang wika nito   Nag katinginan kami ni Perla na tila nag tataka kung ano ba iyon. "Ano bang nais ninyong sabihin?" tanong ko   "Pero bago iyon, gusto ko lang itanong kung Open Minded ba kayong tao?" ang tanong Hubert   "Open Minded? Bakit?" tanong ni Perla   "Madali naman kaming umunawa ng mga bagay sa aming paligid. At isa pa ay madali rin kaming naka kaadjust sa bawat sitwasyon. Ayos na bang dahilan iyon para sabihing open minded kami?" ang tanong ko rin   Nangiti si Albert. "Woah, Nice bro! Ang pagiging open minded kasi kadalasan ang nagiging susi sa ating tagumpay. Maraming umaasenso dahil sa pagiging open minded. At pakiramdam ko ay aasenso rin kayo." ang wika ni Hubert   "Kaya nga nais namin kayong iinvite sa aming Multi-level Marketing. Hindi ito katulad ng mga ibang networking dyan sa tabi tabi na puro pangako lang. Iba ito, kapag sumali kayo dito ay aasenso kayo sa loob lamang ng ilang buwan. Hindi ito pag bebenta, ang ating gagawin ay mag iinvite lang tayo ng tao na gustong sumali." ang wika ni Albert   "Kayo ba ay nakahanda nang maging milyonaryo? Eto yung kaibigan namin na ngayon ay bigtime na." ang dagdag ni Hubert sabay pakita ng larawan ng isang lalaki na may apat na kotseng magarbo sa likuran. May hawak itong pera na animo pamaypay. "Iyan ang kaibigan namin. Dahil sa pagiging open minded niyang tao ay umasenso siya sa loob lamang ng isang buwan. Grabe! Ang daming niyang kotse at napaka raming pera! Ngayon ay nag pplano na siyang mag tayo ng sariling mall doon sa bayan nila." pag mamalaki ng kambal   Natahimik ako at napatingin nalang kay Perla na noon ay bumakas ang dissappointment sa mata. "Networking lang pala." ang bulong ko sa kanya.   "Akala ko date na eh" ang wika ni Perla   "May sinasabi ba kayong dalawa? Heto yang pangalan ng aming business "GreatMind" ang aming mga products ay mga gluta, slimming tea at iba pang beauty products. Ang kailangan ay mag purchase kayo ng halagang 7,400 pesos para maging member kayo at hindi lang iyon dahil ang iyong pera ay madodoble at lalago sa loob lamang ng isang linggo!" paliwanag ni Hubert   "Kung napapansin niyo lahat ay pampaganda. Alam namin kailangan nyo ito upang mas maging presentable kayo sa mata ng mga crush ninyo. Ngayong 2017, iba na ang pananaw mga tao sa kagandahan, kapag maitim ka ay panget ka. Kapag hindi maganda ang katawan mo ay panget ka pa rin. Ang mga kabataan ngayon ay nabubuhay na sa social media, self promotion at kung ano ano pang pag papasikat ang ginagawa para lamang pamansin. Malaking value ang looks kaya't talaga ang iba ay nag paparetoke at gumagamit ng mga enhancer para maging kaaya aya sa paningin nga iba." ang paliwanag pa nila.   "So kaya pala interested kayo sa amin ay dahil nais nyo kaming bentahan ng iyong produkto? Dahil iniisip ninyo na panget kami at kinakailangan namin ng enhancer?" ang tanong ni Perla   "Hindi naman, ang ibig naming sabihin ay may potensyal kayo para maging miyembro ng GreatMind Alliance." ang wika ni Albert   Ngumiti ako at tumango nalang "Sige pag iisipan namin iyan. Magandang offer iyan para makatulong na rin sa aming gastusin sa pag aaral. Ganito nalang, since wala pa kaming perang hawak upang ipambili ng produkto ay pag iipunan namin ito at kokontakin namin kayo agad kapag may hawak na kaming ganoong halata. Diba Perla?" naka ngiti kong paliwanag.   Nangiti rin si Perla bagamat bakas na ang lungkot sa kanyang mga mata "Oo nga naman! Syempre ay interesado kami!" pag suporta nito, sinabi nalang namin iyon upang hindi masayang ang kanilang effort.   At the first place, ay kasalanan rin naman namin dahil nag expect kami na may magic, na biglang may darating na someone sa buhay mo at bubuo kayo ng isang magandang kwento.   Nito lang namin napag tanto na kami pala ay isang tanga at malaking sabik sa pag kakaroon ng love life. Minsan ang Mahika ay napakaganda ngunit isa rin itong ilusyon at iyon ang nakaka lungkot sa lahat.   "Ang mga walangya, pa sweet pa silang dalawa, bebentahan lang pala tayo ng pampaganda! Nag effort pa ako para labhan itong bestida ko tapos ganito lang." ang reklamo ni Perla habang nag lalakad kami pauwi.   "Masyado lang tayong assuming at nasasabik mag karoon ng magandang love life."   "Gusto ko lang naman maging masaya" sagot ni Perla sabay upo sa waiting shed at nag alis ng sapatos   "Eh malay ko bang networking iyon? Saka sinabi pa naman ni Hubert na ganito sa akin yung tipo niyang babae. Nun pala ay tipo nya ako dahil gusto niya akong bentahan ng enhancer sa katawan." reklamo nito   "Ako naman ay naging feelingero lang, hindi porket kinuhanan ka ng number ay type kana. May iba silang adgenda sa iyo. Hindi pa naman huli ang lahat para matuto diba?" tugon ko   "Tama ka dyan. Pero ilang kapalpakan pa ba ang pag daraanan natin para tayo ay matuto?"   "Ewan ko." tugon ko sabay bitiw ng buntong hininga. "P-pero sa tingin ko ay unique tayo dahil tayo lang sa mundo ang gumagawa ng ganitong katangahan." natatawa kong dagdag   Natingin ito sa akin at natawa "That makes the two of us. Sayang naman itong bestida ko."   "Oh siya, pumunta kana doon sa balon at gumapang!" pang aasar ko   "Anong akala mo sa akin si Sadako? Ang basag trip mo talaga!" pag mamaktol niya   Tawanan...   Ito yung mga bagay na parang nakakasanayan na namin ni Perla, OO yung pagiging malaking tanga at desperado namin na maging masaya. Para kaming bida sa isang telenobela na kadalasan pinaglalaruan lang ng tadhana.   Pero noong mga oras na iyon sa halip na mag mukmok kami umiyak at magalit ay nagkatinginan nalang kami dalawa, umupo sa pahingan sa tahimik na parke ng Burnham Park sa kami natawa ng malakas. Kasabay noon ang pag tingin namin sa kaunting taong naglalakad sa aming harapan. “Alam mo balang araw ay magiging masaya rin tayong dalawa at mapagtatanto natin na ito yung pinakamagandang story na pwedeng isulat sa isang sikat na online site,” ang wika ko.   “Alin yun kapalpakan nating dalawa?” tanong niya   Natawa ako, “Oo yung katangahan ko at katangahan mo. At alam mo, tie tayo ngayon,” ang biro sabay akbay sa kanya.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD