Baka Sakali
AiTenshi
Part 8
"Hoy Lino, may problema ka ba? Bakit ganyan ka mag lakad? Para kang navirgin ah. Iika-ika ka at parang may almuranas," ang puna ni Perla noong papasok kami sa gate ng campus. Nakataas ang kilay nito na parang idrinawing lang.
"Wag ka nga mambasag ng trip Perla, ang aga aga no, saka halika may baon akong hinog na mangga. Kainin natin ito mamaya, matamis ito at sariwa pa." ang masaya kong sagot at ipinag patuloy ko ang paglalakad na parang lumulutang sa alapaap.
"Mangga? Seryoso? Ano ka buntis? Siguro naka tikim ka ng masarap na putahe kagabi kaya ganyan ka maka asta. O else baka naman nakaharvat ka at nakatikim na manamis namis na nectar."
"C'mon, its 2017. Hindi na bago ang ganyang usapin tungkol sa s*x. Lalo na kung espesyal sa iyo yung tao. You only live once, tatanggi ka pa ba sa sarap na dulot nito? Kaya ikaw Perl asana makahanap ka ng tamang lalaki para sa iyo para pareho tayong masaya."
"Ay ang landi mo. Unang meet nyo nag s*x agad kayo? Ang landi mo lodi! Werpa! At ikaw pa talaga ang bottom? Sana ang bigayan kayo pwede naman ang flip f**k diba? Bakit pumayag kang ikaw ang babae at binobona? E ang tigas tigas mo, sobrang tigas mo Lino!" pang aasar niya
"Shhhh wag ka nga maingay. Basta masaya ako ngayon. Feeling ko eto na talaga yung lovelife para sa akin. Kagabi bago ako matulog ay humarap ako sa bintana at naka kita ako ng falling star sa kalangitan, indikasyon na siya na talaga ang hinihintay ko? Sya na ba si Mr. Right? Siya na ba ang love of my life? O sya naman ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" ang tugon ko habang naka ngiti.
“Yuck! Yung sobrang pagkalasing mo sa love ay nag mumukha ka ng tanga. Pero alam mo happy rin ako. Kasi feeling ko rin mag tatapat na sa akin si Boy. Ramdam ko naman na gusto nya akong maging GF. Medyo torpe lang talaga siya at kung minsan ay mas gusto niya nakakausap yung sekyu doon sa kainan."
"Kung ganoon, pareho tayong masaya kaya't ang mas mabuti pa ay enjoyin natin ang kaligayahang ito habang nararamdaman pa natin diba? Ayoko nang basagin ang trip niyo ni Boy, basta ako ay maligaya. Period." naka ngiti kong sagot.
Ito ang bihirang pag kakataon na makaramdam ako ng kakaibang saya sa aking buhay. Ito rin ang unang pag kakataon na nasabi ko sa aking sarili na mayroon isang tao na nag bigay sa akin ng kaligayahan. Yung pag yayari kagabi habang kami ay mag kayakap at nag papalitan ng matamis na halik ay hindi mawaglit sa aking isipan. Pakiwari ko ba ay nasa loob ako ng isang magandang kwento na ang nakaka kilig na tagpo ay hindi nag wawakas sa iisang yugto. Ito ang pakiramdam ng isang "buhay" na nag nakakaramdam ng pag papahalaga.
Hindi nawala ang ngiti sa aking labi noong mag hapong iyon. Tila ba lumulutang ako sa ika pitong alapaap habang nag lalakad pauwi sa bahay.
Kinagabihan, tinext ko si Peter pero wala itong reply kaya naman sinubukan ko siyang tawagan. Nag riring lang ngunit hindi niya ito sinasagot.
Sinubukan kong mag online sa social media kung saan ko siya nakakilala. Naka online ito kaya naman muli ko siyang iminesage. Ang nakapag tataka lang hindi tila yata hindi niya ito binuksan o sineen man lang.
Labis na pag tataka ang lumukob sa aking isipan noong mga sandaling iyon. Tila yata nag iba ang ihip ng hangin. Dati kasi bago kami mag meet ay inaabot kami ng madaling araw sa pag cchat at pag tatawagan na parang mag kasintahan. Hindi kami nauubusan ng topic kahit na boring na ito at paminsan minsan ay wala na kaming mapag usapan. Pero ayos lang iyon dahil iyon ang unang pag kakataon na tinanggap ako at hindi tiningnan ang aking pisikal na anyo.
Tahimik..
Hindi ko namamalayan na nakatigtig na ako sa kisame habang binabalikan ang masayang ala-alang iyon na sariwa pa sa aking isipan.
Kinabukasan, alas 10 ng umaga noong mag pasya akong mag tungo sa kanyang apartment upang kamustahin ito. Pag dating ko doon ay naabutan ko ang dalawang lalaki na nag bibihis habang naka upo sa kanyang kama. "May kailangan ka ba?" ang tanong nung isa noong makita akong nakatayo sa labas ng pinto
"Hinahanap ko si Peter, nandyan ba siya?" ang tanong ko
"Peter? Wala yatang ganoong pangalan dito." sagot niya
Napakamot naman ako ng ulo habang lumilinga-linga sa paligid. Maya maya ay nakita kong lumabas ng banyo si Peter. Naka hubad pa ito at nag pupunas ng katawan. "Oi tol, kilala mo ba yung nasa pintuan?" ang tanong ng isang kasama niya sa apartment. "Hinahanap si Peter." ang dagdag pa nito
Humarap sa akin si Peter at parang kinikilala ako nito "Walang Peter dito, pero pamilyar nga iyan pare. Parang nakantot ko na yan dito." ang wika nito
Tawanan sila..
"Kantutero ka talaga. Sana isinali mo nalang sa threesome natin kagabi." hirit nung isa.
"Ah oo, naalala ko na siya. Kinantot ko yan noong nakaraang araw. Virgin kasi kaya pinatos ko." pag mamalaki ni Peter
"Gago ka talaga pareng Kevin." ang natatawang wika nung isa.
"Alam mo paiba iba ng code name itong kaibigan (Peter) namin, wonderkevin, hardfucker, hottietop, kantutero, basta madami. Sa dami ng binayo nito ay hindi kana niya maalala. Kung nag hahabol ka eh sorry ka nalang." ang hirit pa nung isa at saka sila nag tawanan.
Ako naman ay tila napahiya habang naka pako sa aking kinatatayuan. Para bang bumagsak ang metro ng aking kaligayahan at hindi ko lubos maisalarawan ang aking nararamdamang sakit, kirot at disappointment. "Ang bababoy nyo!" ang tugon ko habang nang gigilid ang luha sa mga mata.
"Woa! Welcome sa tunay na mundo ng mga bisexual dude. Imulat mo ang mga mata mo, kung nag hahanap ka ng pag ibig ay huwag kang mag tutungo sa social media ng mga pornsite. Adik ka ba? Para kang nag hahanap ng karne sa tindahan ng hardware." sagot ni Peter
Tawanan nanaman sila.
Ako naman ay tila napahiya. "Ito ang tunay na mundo tol, buti nga hindi ko vinideohan ang s*x natin at inilagay ko sa twitter. Kung ibang lalaki ang naka talik mo malamang nilasing ka ng todo at makikita mo nalang ang bangag mong mukha na nakavideo sa social media, binibira at pinag ffiestahan ng tuwa." tugon niya
“Saka tanggapin mo nalang na isa kang PINAKBET! Pinak ka lang pero di ka Bet!” wika nanaman nung isa habang nag susuot ng sapatos.
“Ang sakit nun bro, finuck pero di bet!” pang gagatong ng isa.
Napailing nalang ako at nag simulang umatras ang aking paa palayo sa lugar na iyon. "Ang bababoy ninyo!" ang tanging salitang lumabas sa aking bibig
"Gago, nag doggy kami hindi kami nag baboy!" ang sagot ng isa at malakas silang nag tawanan. Samantalang ako naman ay nag tatakbo palabas ng eskinita habang pumapatak ang maraming luha sa aking mga mata.
Kasabay noon ang pag bagsak ng tubig sa kalangitan na wari’y nakikidalamhati sa aking nararamdamang pag kabigo at sakit..
Tahimik..
"Tumakbo ka talaga? Tapos maraming luha? Sino ka si Marimar? Ang retro mo ha. Di ka man lang sumakay ng taxi o nang trisikel? Umulan talaga? Sino ka si Judy Ann Santos?" ang pag basag ni Perla. Agad ko kasi siya tinawagan upang ibalita ang nangyari.
"Fine, hindi naman umulan, nag dilig lang yung mama doon sa second floor! At kaunting luha lang naman. Pero kahit na! Niloko niya ako.. Nakaka lungkot lang na ibinigay ko sa kanya ang lahat pero sa huli ay nabiktima pa rin ako ng KKK." ang pag iyak ko.
"KKK? June ba? Araw ng kalayaan?" ang tanong nito
"Gaga hindi! KKK na ang ibig sabihin ay "Kinilala Kinantot Kinalimutan." Wala naman akong idea na uso pala ito ngayong 2017. Parang sulit dot com lang ang datingan. Click, Usap at deal! Iyan pala ang bagong kalakalan ngayon, kakausapin ka, mag kaka kilala kayo, mag giging close, mag memeet at mag sesex.. Pag katapos non ay hindi ka na niya kilala." ang pag iyak ko pa
"Eh sunga ka naman pala Lino, bakit kasi makikipag s*x ka? May kalandian ka ring taglay eh. Saka huwag ka na nga umiyak na parang babaeng ginahasa. Wish mo lang maging petchay iyang pwet mo para may sense naman iyang pag iyak mo. Dumarating talaga sa punto na ang isang magandang kwento ng buhay ay nagiging masalimuot. Lahat ng karakter sa mga kwento ay dumaraan diyan diba? At least natuto tayo sa ating pag kakamali." pang aamo ni Perla kaya naman mas lalo pa akong napa iyak.
"Kaya naman pala HornyPeter yung codename nya. Malibog pala siya. Inisang tabi ko na nga yung salitang "Horny" dahil ang akala ko ay design lang iyon at fan siya ng HarryPotter."
"Huwag ka na nga umiyak. Ang panget mo!" pag basag pa ni perla
At iyon na ang huling beses na naka usap ko si Peter a.k.a HornyPeter. Hindi na niya ako pinansin at hindi na niya ako maalala. Para lamang akong hangin na nag daan sa kanyang buhay na nilanghap at ibinuga.. Naramdam ng kaunti pag katapos ay hindi naman makita. At sa laro naming dalawa o kung ano man ang tawag doon ay tiyak na natalo ako, pakiwari ko tuloy ay para akong isang botchang baboy na k*****y ng paulit ulit.
"Oh bakit parang nalantang gulay ka? May sakit ka ba?" tanong ni Tita Pat noong makita akong naka upo sa likod bahay. "Teka, heto ang 50 pesos panload mo."
"Nag mahal ka na ba tita? Ang ibig kong sabihin ay kung umibig kana ba?" tanong ko
"Aba Marcelino, bakit naman ganyan ang tanong mo?"
"Gusto ko lang po malaman." ang sagot ko.
"Natural ay umibig na ko. Ang totoo noon ay nag karoon ako ng karelasyong babae noon. Sabay kaming nag trabaho sa siyudad at doon ay nag pasyang mag live in. Tumagal kami ng 13 taon sa ganoong pamumuhay. Perpekto ang lahat ngunit isang araw ay nabago ang takbo ng mga pangyayari. Naramdaman kong tinabangan na siya sa akin, at huli na noong malaman kong nililigawan na pala siya ng isang lalaki. Hanggang sa malaunan ay doon sya sumama. Lahat ng gamit na naipundar namin ay hinakot niya at walang naitira sa akin kundi itong lumang telebisyon at takureng initan ng tubig. Iyon ang pinaka madilim at pinaka masakit na pang yayari sa buhay ko. Sumailalim ako sa matinding depresyon at halos patayin ko na ang aking sarili. Iyan ang epekto sa akin ng labis na pag mamahal." tugon ni Tita Pat habang nakatanaw ng luntiang bukirin.
Natahimik ako..
Dito ay kapwa kami huminga ng malalim. "Nasaan na siya tita? Galit ka ba sa kanya?" ang tanong ko
"Anim na taon na kaming hiwalay. At ang huling balita ko ay may mga anak na ito. Noong una ay talagang nagalit ako, kulang na lamang ay isumpa ko siya at patayin dahil sa matinding emosyon. Ngunit habang tumatagal ay unti unting nabura ang kirot at natutunan kong mag patawad. Totoo ngang ang oras ay may kakayahang pag hilumin ang isang sugat kahit gaano pa kalalim ito. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at hindi naman iyon nawawala. Sadyang nakasanayan ko na lamang na wala na siya sa aking tabi. Kung tutuusin ay hindi naman talaga normal ang buhay niya sa aking piling dahil pareho kaming babae. Kaya kahit papaano ay masaya na ako dahil ngayon ay namumuhay siyang masaya sa isang normal na pamilya. Alam mo Marcelino ang pag mamahal ay hindi pag angkin ng tao.. Basta ng mahal ka lang.. At sa tingin ko ay iyon ang mahalaga." ang salaysay na niya sabay gusot sa aking buhok.
"Kung ganoon tita, walang forever? Doon lamang sa mga binabasa kong kwento sa w*****d mayroon?" tanong ko naman
"Walang forever sa mga taong itinalaga ang sarili nila sa paniniwalang hindi ito darating o mang yayari sa kanila. At may forever naman sa taong hindi nawawalan ng pag asa sa pag mamahal. Yung hindi bumibitaw at patuloy na nananalig." sagot niya.
Napaisip ako at napatingin sa kanya. "Tama ka tita, ang lahat ay nakadepende sa atin. Sana ay dumating ang araw na maging masaya ka, maging masaya tayo."
"Batid kong inlove ka Lino, masarap iyan sa pakiramdam ngunit may pag kakataong masakit, iyan ang patunay na ikaw ay hindi manhid. Ikaw ay pakiramdam at nangangahulugan lamang na ikaw ay "buhay." naka ngiting sagot ni Tita Pat sabay akbay sa akin.
Itutuloy..