Baka Sakali
AiTenshi
Part 25
"Naka tawa na, naka ngiti pa. Anong epekto ang dala ng kachat mo sa buhay mo?" ang tanong ko kay Perla noong makita ko itong abala sa pag pindot ng kanyang cellphone.
"Huwag ka ngang basag trip Lino, basta suportahan mo nalang ako dito katulad ng pag suporta ko sa iyo kay Stephen." sagot niya
"Eh ano at sino ba kasi iyan? Opening palang ng semester e nag lalandi ka na." ang pang aasar ko.
"Huwag ka nga, actually 2 months ko na siyang ka chat. At feeling ko this is really is it na talaga friend. Alam mo yung feeling na kapag nag pop up na ang chat niya sa messenger ko ay natutuwa ako at parang nag p-pop up rin ang puso ko palabas. Tapos nag cchat kami lagi, sabay kami kumain, matulog, kahit naliligo kami ay mag kachat pa rin kami. Ang saya saya talaga." ang kinikilig na wika niya
"Eh taga saan naman iyan? Long distance ba? Huwag kana umasa!"
"Basag moment ka talaga Lino. Taga Maynila ito pero ngayong summer ay pupunta siya rito sa Baguio para mag bakasyon at mag kikita kame!"
"Tamang tama, dalhin mo siya doon sa itaas ng Sagada at doon kayo mag date sa mga hanging coffin kasama ng mga patay para ma feel mong kayong dalawa ang tanging buhay na naniniwala sa love at website!" ang tugon ko naman.
"Ang bitter mo kasi narealize mo na hanggang friend lang kayo ni papa Stephen. At para sabihin ko sayo ay totoo ang love at website! Actually kanta nga niya sa akin iyon. Love at website by Ronnie Alonte!"
Natawa ako "Edi sige. Sumama ka ulit sa prosisyon ng mga babaeng naniniwala na makakahanap sila ng totoong pag mamahal sa internet. Yung nangyari kay Miss Bayhag noong nakaraang linggo nakipag meet siya doon sa boyfriend niya sa chat tapos ninakawan siya ng cellphone at pitaka."
"Wala naman siyang mananakaw sa akin noh. Kundi ba puso ko ang nakawin niya malugod ko pang ibibigay."
"Iyan ang hirit ng isang desperadang babae na nag nanais mag karoon ng boyfriend."
"Ikaw rin naman noon naging desperado ka rin. Nakipag meet ka pa at nakipag s*x doon kay HornyPeter tapos ay na KKK ka lang naman." pang aasar
BASAG! Kung sa bagay ano nga bang karapatan kong mag advice eh epic failed din ako sa pag mamahal.
Sumapit ang bagong semester, ngayon ay nasa huling taon na kami sa kolehiyo. Kaya naman konting tiis na lamang at magiging ganap na kaming guro. Ngayong taon ay tiyak na panibagong challenge nanaman ang aming kakaharapin bilang estudyante. Iyan naman talaga ang sarap sa pag aaral ang roller coaster na feeling kapag pinag daraanan mo ang lahat ng hirap at pag subok at napag tatagumpayan ito sa bandang huli.
"Yung mga bagong pasok na freshman ay kilig na kilig doon kay Stephen. Nag titilian ang mga ito noong dumaan ang mokong sa department nila." ang wika ni Aljan noong mapadaan sa aming classroom.
"Syempre gwapo si Stephen kaya talagang titilian siya. Eh kung si Lino ang dumaan? Tingin mo titilian ba?" ang hirit ni Perla
"Natural OO. Kasi matatakot sila!" ang paasar ni Aljan
Tawanan ang dalawa..
"Kalakas ninyong mang asar, kaunti nalang talaga ay iu-unfriend ko na kayong dalawa. Teka, ang dami namang completion form niyan." puna ko sa hawak na papel ni Aljan
"Iyon na nga drama iregular ako ngayon. Ang dami kong lagapak na subject last sem kaya maauna kayong grumaduate sa akin. Imbyerna nga eh." pag mamaktol ni Aljan.
"Tingnan mo si Stephen nandoon sa second floor ng department nila. Kumaway pa ang mokong kaya nag titilian yung mga babae doon sa ibaba." bulong ni Perla
"Natural gwapo si Stephen kaya pag kumaway siya ay titilian talaga. Eh si Lino? Sa tingin mo titilian iyan pag kumaway doon sa second floor?" tanong ni Aljan
"Natural OO. Kasi akala nila ay mag papakamatay siya!" ang sagot ni Perla
Tawanan nanaman sila..
"Napipikon na talaga ako sa inyong dalawa. Nakadalawang lait kayo sa akin kaya ililibre nyo ko ng lunch! Kundi ay kalimutan nyo ang friendship natin!" tugon ko na hindi maitago ang pag kainis bagamat nakatingin naman ako kay Stephen na noon ay naka ngiti sa mga babaeng taga hanga. Naka salamin pa sa mata ang mokong at napaka gwapo talaga.
At dahil nga first day palang ng klase, wala pang regular na schedule kaya naman nag yaya nalang sina Perla na kumain sa canteen at doon ay tumambay muna. Habang naka upo kami ay siya namang pag sulpot ng grupo nina Stephen sa pintuan ng kainan. Tumambay rin sila sa lamesa at nag kwentuhan.
Syempre halos mag wet na sa kilig yung mga babae, yung iba nga ay nahilo pa dahil hindi malaman kung kanino ibabaling ang tingin sa dami ng gwapong kalalakihan sa kanilang paligid.
Pilit akong sumusulyap kay Stephen upang batiin ito o senyasan man lang. Ngunit deadma lang talaga. "akala ko ba medyo close na kayo ni Stephen? Yung sabay kayo kumakain, natutulog at nag kkwentuhan madalas? Eh bakit parang di ka nya noseline?" tanong ni Aljan habang naka tulis ang nguso sa pagiging maarte
"Anong noseline?" kunot noo kong tanong
"Noseline, parang di ka nya know o kilala. Wa epek ang beauty mo, di pinansin, dineadma na parang isang bato doon sa lupa." paliwanag niya
"Ewan ko nga ba dyan, baka noon ay no choice lang siya dahil ako ang nandoon. Pero ngayon ay kasama na niya ang totoong kaibigan niya kaya parang hindi na ako masyadong kailangan sa eksena." ang natatawa kong sagot bagamat gumuhit ang kakaibang lungkot sa aking dibdib.
"Naku oo, maraming ganyang tao. Yung naaalala ka lang kapag wala siyang kasama. Pero kapag kasama na niya ang real friends niya ay wala ka nang space. Parang sa chat diba, kakausapin ka lang kapag wala nag memessage sa kanya pero kapag mayroon siyang kachat na gusto niya ay hanggang seen ka nalang. Ang galing galing ng mga ganyang tao, ang sarap sampalin ng padakot!" inis na sabad ni Perla.
"Diba na nga ang nag sabi na nature na iyan ng mga tao." tugon ko naman.
"Kaya nga, naku naiinis talaga ako sa mga ganyang nilalang!" gigil na sagot nito
"Huwag na nga kayo mag alburuto diyan. Tayo na ngang umuwi, mag aayos pa ako ng mga gamit sa bahay." ang yaya ni Aljan at doon nga sabay sabay kaming tumayo at lumabas ng canteen.
Dumaan kami sa harap nina Stephen na noon ay abala sa pakikipag kwentuhan tungkol sa mga babaeng mamaganda sa ibang department. Bagamat nakita kong hinabol niya ako ng tingin. Pero hindi ko siya masyadong nilingon, slight lang at pasimple.
"Eyy troll!" ang pag tawag niya malinaw at rinig na rinig sa buong canteen.
Hindi ko siya nilingon..
"Troll talaga ang tawag niya sayo?" ang tanong ni Aljan.
"Ewan ko ba sa sira ulong iyan." sagot ko naman.
"Oyy mga trolls!! Wait muna!" pag habol niya
"Trolls may S ibig sabihin madami. MGA TROLLS! Plural okay? Kasama ka don!" ang sabad ni Perla.
"Kaloka, nadamay pa ko sa inyong dalawa." reklamo nito.
Huminto ako at humarap sa kanya "Bakit Mr. Stephen Dimasupil? May problema ba?" tanong ko
"Nag text sa akin si Tita Pat, doon raw ako mag dinner sa inyo dahil mag luluto siya ng baka." ang naka ngiting wika nito.
Natingin ako kay Perla na noon ay naka taas ang kilay. "Bakit?" bulong ko hinila niya ako at palayo kay Stephen.
"Umoo kana malande! Pakipot ka pa ba? Hoy Lino yung itsurang ganyan ay walang karapatang mag pa hard to get." ang bulong nito
"Sure!" ang sagot ko naman. Im sure gusto ni tita na maka kwentuhan ka ulit.
"Parang ayaw mo yata eh." pag mamaktol niya
Natawa sina Perla "Ano ka pa papa Stephen, hindi kana nasanay sa itsura ni Lino. Gustong gusto niya syempre."
"Ayos! Paano mamaya nalang." masayang wika nito sabay takbo pabalik sa canteen.
"Para paraan din ang pag kakataon ha. Gamitan ng tita sa panliligaw?" pang uusisa ng dalawa
"Hindi no. Sadyang nakagiliwan lang ni Tita Pat si Stephen dahil mabulaklak ang dila nito." sagot ko
"What? Dont tell me naging babae na iyang tita mong lesbian?"
"Edi mainam nga iyon para maging normal ang buhay niya. Mag karoon siya ng asawa at anak." sagot ko naman.
"Pero alam mo tama ka dyan Lino. Mahirap yung ganito. Kaya nga minsan naisip kong mag paka lalaki nalang at pumatol sa babae, baka sakaling maging masaya ako." malungkot na wika nito
"Oh bakit hindi mo gawin? Maiksi ang buhay, dapat gawin mo ang mga bagay na nais mo." tugon ko
"Iyon nga lang sa tuwing naiisip kong mag kikiss kame ay nasusuka na ako. Para hindi ko yata kayang kumain ng talaba." ang sagot nito
"Alam mo bakla, kapag nag jowa ka ng babae ay mag papa make up lang siya sayo at mag papadesign ng gown. Huwag mo nang baguhin ang sarili mo dahil sa mga bagay na hindi mo makamtam. Baka pag sisihan mo lang ito sa huli. Tingnan mo nga yung mga lalaking paminta na nag jojowa ng babae at ginagawa nilang cover girl para hindi maamoy ng madlang people ang kabaklaan nila. Niloko na nga nila kami niloko pa nila ang sarili nila. Leche! Kaya ikaw bakla ka huwag kana mag paka lalaki dahil im sure mas panget ka pag naging paminta ka! Ganyan ka nalang!!" sigaw ni Perla na may pinag huhugutang kung ano. Siguro ay naalala niya si Boy na nag panggap na lalaki at pina asa siya. "Sorry na carried away lang ako."
"Beast mode talaga teh? Im sure kaya ka nag kakaganyan ay nabiktima kana ng cover girl. Anong edition iyan?" pang aasar ni Aljan
Natawa nalang ako at bonus na siguro ang pag lundag ng aking puso sa kaligayahan dahil kasama ko na naman si Stephen mamaya. Alas 2 palang ng hapon ngunit hindi ako makapag hintay na sumapit ang hapunan.
Pag dating sa bahay, agad akong nag linis ng sala, kusina at kwarto upang maging presintable naman ang buong lugar. Si Tita Pat naman ay nag hahanda ng mga gamit sa pag luluto. "Tita bakit inimbitahan mo si Stephen sa dinner?" tanong ko
"Namili kasi doon sa pwesto yung mama ni Stephen, nag pasalamat na rin ito dahil inaasikaso nating mabuti ang anak niya. At heto nag bigay pa nga mga kakanin galing Bulacan. Saka isa pa ay nakagiliwan ko na rin yung batang iyon kaya inimbita ko na siya lalo't busy ang mga parents niya sa work. Im sure hindi nakakain ng tama iyon sa kanila."
"Eh ang ganda ng katawan niya at ang lusog lusog, paano di nakaka kain ng tama iyon?" pag tataka ko
"Natural atleta yung tao kaya maganda ang katawan niya. Eh ikaw ang payat mo pero nakaka kain ka naman ng tama. Binubusog naman kita sa karne at masustansiyang pag kain hano."
"Eh baka hindi lang talaga ako tabain dahil mabilis ang metabolism ko."
"Ang mabuti pa ay hiwain mo itong mga sibuyas at bawang para mabilis tayo."
Bukod sa baka ay nag handa rin ng putaheng gulay at isda si Tita Pat. Mukha nakagiliwan niya ng husto itong si Stephen. Syempre masayang masaya naman ako dahil kahit papaano ay nagiging close kami kahit sa ganitong kasimpleng bagay lang. Kahit sa paaralan ay hindi kami ganoong ng papansinan ay bawing bawi naman kapag mag kasama kami dito sa loob ng bahay.
Alas 6 ng hapon noong dumating si Stephen. Naka suot ito ng sumbero at uniporme. Parang ulirang estudyante ang mokong. Hawak niya ang isang plastic bottle ng softdrinks at sa kabila naman ay kahon ng minatamis. Naka ngiti ito habang naka tayo sa aming munting tarangkahan. Yung tipong parang bata itong nag papa cute sa labas, bagamat yung ngiti niya ay talagang nakaka akit talaga.
Agad ko siyang sinulubong at kinuha ang kanyang dala. "Kakatapos lang ba ng klase nyo?" ang tanong ko.
"Galing kasi ako sa meeting team. Medyo badtrip si coach kaya hindi agad kami naka alis. Bakit? Kanina mo pa ba ako hinihintay?" naka ngiti niya tanong
"Si Tita Pat yung nag hihintay sa iyo. Nakaka dalawang init na siya ng pag kain." tugon ko pero ang totoo noon ay hinihintay ko naman talaga siya.
Natawa ito at inakbayan ako "Nag text sa akin yung tita mo, kanina ka pa raw dito sa gate at inaabangan ako. Ang sweet mo troll, para kang misis na nag aabang sa pagod niyang asawa habang nasa pauwi sa trabaho. Iyan ang gustong gusto ko." ang bulong niya habang naka ngiti.
"Ah e, baka kasi maligaw ka o kaya AY habulin ng aso ng kapitbahay kaya nandito ako sa harapan." palusot ko
"Pero inaabangan mo talaga ako? Ang ibig kong sabihin ay kasama ba sa pag tambay mo rito ang pag aabang sa akin?" tanong niya habang naka ngiti ng matamis.
"Oo naman, kasama na iyon." nahihiya kong tugon.
Natawa siya at inakbayan ako ulit. "Ayos! Sweet mo troll." wika niya habang sabay kaming pumapasok sa sala.
Oras ng hapunan, maganang magana si Stephen sa pag kain. Halos lahat ng putaheng inihanda namin ni tita Pat ay talagang kinain niya. "Kung dito ak titira ay talagang tataba ako ng husto. Sarap nyo po mag luto." hirit ni Stephen habang abala sa pag nguya.
"Naku salamat Hijo. Pero huwag kang mag papa taba ng husto dahil mawawala ang ka kisigan ng katawan mo." tugon ni Tita.
"Parati kasi akong nag lalaro ng sports kaya siguro humubog ng ganito ang katawan ko. Hilig ko rin mag gym pa minsan minsan kapag walang ginagawa sa bahay, o kaya ay bakasyon." sagot ni Stephen sabay pakita sa kanyang bilugang braso na may masel.
"Ayos yang masel mo, sana ay mahilig rin si Lino sa mga outdoor sports para gumanda rin ang katawan niya."
"Maganda naman po ang katawan ni Lino, iyon nga lang ay medyo payat ito. Pero uso iyan sa mga thai o korean. Yung mga napapanood kong leading man sa mga nobelang thai ay halos kasing payat niya." wika ni Stephen.
"Yung mga leading man na mga komedyante, uto uto at madalas pinag tatawanan. Iyon ang klaseng leading man na swak sa pag katao ko." sabad ko
"Tol, huwag ka ngang hard sa sarili mo. Gwapo ka naman, kulang ka lang sa self condifence."
"Naku hijo, wala kang aasahan diyan kay Lino pag dating sa salitang self confindence. Para iyang pagong na nag tatago ang ulo kapag nahihiya. O, kumain pa kayo, ubusin niyo itong ulam at kanin." saad ni tita Pat.
Matapos ang hapunan, nag tungo kami ni Stephen sa likod bahay kung saan may upuang kahoy paharap sa bukirin. Bitbit namin ang dalawang bote ng alak at de latang pulutan.
Maliwanag naman sa aming pwesto dahil nag sabit kami ng isang emergency light. Dito ay kapwa naka tanaw sa kalayuan habang patuloy sa pag inom. Paminsan minsan ay sumisilay ako sa kanyang gwapong mukha na talaga namang nag papasaya sa aking gabi. Ito yung kaligayahan na hindi ko maipaliwanag, na para bang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan at nag bibigay ng ibayong kilig sa aking kaibuturan.
Kung ano man ito ay ayoko nang bitiwan pa..
Itutuloy..