Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 54 Isang kumpol na puting bulaklak ang aking inilapag sa harap ng puting putod na iyon. Kasabay nito ang isang taimtim na panalangin na sana ay bigyan ako ng sapat na tibay ng loob upang harapin pa ang bawat pag subok na darating sa aking buhay. Ilang minuto rin akong nakaluhod habang naka titig sa lapida hanggang unti unting bumagsak ang ulan mula sa kalangitan. Isang buwan na ang naka lilipas mag buhat noong tumayo ako sa parke kung saan nag simula ang lahat, nag simulang mag bago ang takbo ng aking buhay sa isang hindi inaasahang pag kakataon. "Hijo, kanina ka pa ba diyan? Tayo na at malalate tayo sa ritwal." ang pag tawag ng ina ni Stephen. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.. Agad akong nag tungo sa sasakyan at dito ay isinuot ang pang igorot