Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 42 "Hala, nag hang na itong cp ko. Bakit ba ang daming nag cchat sa akin." ang wika ni Tita Pat habang patuloy sa pag pop up ang message sa kanyang social media. Tiningnan ko ito dahil sunod sunod ko ring naririnig ang pop up tone. "Eh ang dami mo palang GC tita. Member ka ba nito? Tagalang mag hahang ang messenger mo niyan," ang tanong ko naman. "Anong GC? Aba e wala akong sinasalihang ganyan." "Member ka rin ng mga Pages at Group." ang dagdag ko pa. "Aba e wala akong alam sa ganyan. Mag basa lang ng status, mag post ng picture at sumagot sa chat ang alam ko. Ano ba iyang mga GC GC na iyan?" "Ang GC ay group chat. Maraming purpose iyan. Dati ginagamit lang iyan sa mga business, sa mga group activity at conversation ng mga st