Baka Sakali AiTenshi Part 31 Sa mga nakalipas na buwan ay patuloy kami ni Stephen sa pag buo ng magagandang ala-ala. Madalas kami nag lilibot at namamasyal lalo na kapag sumasapit ang weekend. Sa ginawa kong pag amin kay Tita Pat ay ibayong suporta ang kanyang ipinag kaloob sa aming samahan. At dahil dito ay mas lalo pang tumibay ito. "Saan mo balak mag ojt?" ang tanong ko kay Stephen habang kumakain kami sa parke. "Hindi ko pa alam. 350 hours lang naman ang kailangan kong bunuin. Ang sabi ni mama ay may kakilala raw siyang kompanya doon sa malayong siyudad ng Maynila. At baka doon muna ako tumira sa tito ko." ang wika niya. "Ikaw?" "Dyan lang siguro ako mag ppractice teaching sa kabilang bayan. Bakit kasi kailangan mo pang lumayo?" "Maganda kasi ang kompanya na maaari kong pasukan