"What the f*ck?" mura ko nang maabutan si Nanay na hinang hina at halos hindi na makabangon. Kalat kalat pa ang kuwarto niya at may amoy na rin, sign na hindi nga nililinisan. Sa kama, nakahiga ang nanay ko na dati ay sopistikada, masungit at halos hindi makausap. Ngayon, sobrang payat niya na. Wala na ang dating sungit na nakapaskil sa mukha niya, napalitan na iyon ng sakit at pagtataka at lungkot. Agad na nagtubig ang mata ko at naiiyak na nilapitan siya. Kinagat ko ang aking labi. "Nanay," pagtawag ko sa kaniya. Nagmulat siya ng mata at agad na tumingin sa akin, ngumiti ako. "B-bakit ganito ka? Anong nangyari sa iyo?" nagtatakang tanong ko. Umiling iling siya at pilit na itinataas ang kaniyang kamay kaya naman inabot ko 'yon at nilagay sa aking pisngi. Hinaplos niya ang pisngi ko g