Habang abala ako sa pag-eempake ng mga damit namin ay nakayakap sa akin si Mason at seryosong nanunuod ng lego sa cellphone ng Papa Tatay niya. Si Vandryk naman ay nasa kama, natulog ulit. Nadisturbo siya ng anak kanina eh.
"Anak, may isa ka pang Lola at Lolo pati mga Tita at Tito. Gusto mo sila makilala?" tanong ko kay Mason habang inilalagay ko ang mga damit sa maleta.
Ni-pause muna niya ang pinapanood bago tumingin sakin, nakakunot ang noo niya kaya mas lalo siyang naging kamukha ng Papa Tatay niya. Umibis ng kaunti ang nguso niya.
"Huh? Bakit naman po ang dami kong Lola, Lolo, Tita at Tito? Nalilito po ako, Mama Nanay," takang taka na saad niya.
Tumawa naman ako at pinanggigilan ang kaniyang pisngi. "Lola at Lola mo sila sa Papa Tatay mo, baby. Like sa akin, diba may Lolo at Lola ka kay Mama Nanay?"
Tumango tango siya pero nakakunot pa rin ang noo. "Ganoon po ba? Gusto ko sila makilala, Mama Nanay! Gusto ko na rin makilala si Papa Tatay ko. Magkamukha po ba kami o mas gwapo po ako sa kaniya?" humagikgik siya at nag-pogi sign pa.
Napangisi ko. Naku, kung alam mo lang andito na si Papa Tatay mo. Nabuhat at nahalikan ka na nga sa pisngi, anak eh!
Yumakap uli siya sa akin at nanuod na naman. Nakita ko iyong photo album kung saan andoon lahat ng pictures ko simula nung buntis ako at nanganak ako. Andoon din ang mga sonogram ko simula nang 3 months pregnant ako hanggang sa 9 months na.
Bumuntong hininga ako at napatingin kay Vandryk, ipapakita ko ito sa kaniya. Hindi man niya deserve na makita ito, ipapakita ko na lang. Kawawa naman ang walang balls na 'to eh.
"EXCITED ka?" nakangiting tanong ko kay Mason.
Naka-sakay na kami sa private plane ni Vandryk at kasalukuyan na itong umaandar. Paikot ikot ang anak ko at hindi na mapakali. Daldal pa nang daldal, kung ano ano na naman ang sinasabi.
"Opo, Mama Nanay! Excited na ako makita si Papa Tatay pati sila Lolo at Lola ko pa na isa!" labas ang ngipin na ngumiti siya sa akin tumingin kay Vandryk na nakahiga sa kama niya.
"Mister, madami pala akong Lolo at Lola saka Tita at Tito eh. Ipapakilala ako ni Mama Nanay sa kanila," naglakad si Mason papunta sa ama at humiga sa tabi nito.
Sinuklay suklay naman ni Vandryk ang buhok ni Mason bago ito niyakap. "Good for you, then. Are you excited to see your Papa Tatay, too?" tumingin siya sa akin at kumindat kaya naman napairap ako.
"Stop with your f*ck boy moves, Vandryk. Eww ha. Nakakakilabot, grabe. What the heck!" exaggerated na anas ko bago ako umirap at humiga sa kama.
Tumawa naman siya kaya medyo sumingkit ang mata niya. "Oh, please. I know you love it when I winked." He chuckled lightly.
Napanganga naman ako at kinuha ang unan bago 'yon binato sa kaniya. Sapol siya sa mukha. "Dati 'yon, babaero na demonyo! Past is past, okay? Bwisit."
"Babaero na demonyo?" hindi makapaniwalang tanong niya, nanliit naman ang mata ko.
Tumaas ang aking kilay at inirapan uli siya. "Kulang pa nga 'yan. Dapat babaerong walang balls na kampon ni satanas," ngumisi ako.
Ngumisi siya at tumingin kay Mason. Si Mason naman ay nagtataka na tumingin sa aming dalawa, "Do you know that I am your fath-"
Kumuha na naman ako ng unan at binato sa kaniya, sakto naman na lumanding ulit 'yon sa mukha niya. "Shut up! Ang epal mo, sabi ko ako na, hindi ba? Paepal ka talaga."
Tumawa siya at may binulong kay Mason, tumango naman ang anak ko at nagtaklob ng kumot kaya nangunot ang aking noo.
Naglakad papunta sa akin si Vandryk at walang pasabi na umupo sa tabi ko. Hinaplos niya ang aking pisngi pababa sa aking baba, bahagya niya pa 'yong pinisil kaya nanlaki ang mata ko.
Ang malanding lalaki na 'to!
"Ano ka ba?! Alam mo nakapalan- hmp!"
Mas nanlaki ang aking mata nang siilin niya ng halik ang aking labi. Ilang segundo akong natulala ngunit nang makabawi ako ay agad ko siyang tinulak at sinipa.
Nalaglag naman siya sa sahig kaya napangisi ako. He groaned before caressing his waist. Nasaktan ata, ngumisi naman ako. "Ayan ang napapala ng mga manyak, pwe!"
Nagtalukbong ako ng kumot at dinama ang pagtibok ng puso ko, ang bilis. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at napangiti nang maalala ang paghalik niya sakin. Oh my God, sabi ko hindi na ako magiging marupok!
PAGKALAPAG pa lang ng private plane ni Vandryk ay hindi na mapakali si Mason. Tatalon talon na siya pero nagrereklamo rin.
"Mama Nanay, ang init pala dito!" si Mason, nakanguso pero mas nanaig ang saya sa mukha niya.
Buhat buhat siya ng tatay niya habang ang mga bagahe namin ay dala ng mga bodyguard ni Vandryk. Sila na raw ang bahala sa mga iyo.
"Yes, anak. You want to drink water?" tanong ko at bahagya pang hinaplos ang likod niya. Buti na lang hindi basa ng pawis.
Umiling siya bago sumubsob sa leeg ng ama, namumula ang pisngi niya dahil sa init. Hindi talaga sanay ang anak ko.
"Later, anak. May aircon sa sasakyan ni Mister," sumulyap ako kay Vandryk na seryosong naglalakad.
Pinagtitinginan kami ng mga tao. Sino ba naman ang hindi magtataka kung bakit ang the great attorney ay may buhat buhat na bata at kasama pa ang ex-wife niya?
"Mama Nanay, ang init po talaga. Puro sweat na po ang noo ko oh," si Mason at tinuro ang noo niya.
Kinuha ko ang bimpo sa bag saka iyon pinunas sa mukha niya. Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Konting tiis na lang, anak."
Papasok na sana kami sa kotse nang biglang nagsiharang ang mga reporter sa harap namin. Si Mason ay nagtataka na tumingin sa harap, kunot na kunot ang noo niya.
"Totoo po ba na nagkabalikan na kayo ni Ms. Avrielle, Mr. Atlas?"
"Anak niyo daw po 'yang bata na buhat buhat niyo?"
"Magpapakasal na raw po uli kayo?"
"Mr. Atlas, ano po ang masasabi niyo sa video na kung saan nagwala si Ms. Reah?"
Who is Reah? Hinapit ako ni Vandryk sa bewang upang hindi ako maiwan. Haharangan na sana nang mga bodyguard ni Vandryk ang mga reporters nang biglang magsalita ang anak ko na ikinabigla ko.
"Bakit ba po tanong kayo nang tanong? Do you know the word privacy po?" nakakunot noong sinabi ni Mason.
Napangisi si Vandryk at inutusan na ang mga bodyguard niya na harangan na ang mga reporters. Agad namang kumilos ang mga bodyguard.
"Ms. Avrielle, nagkabalikan na po ba kayo ni Mr. Atlas?" ayon ang huli kong narinig bago ako pumasok ng kotse. Himala at kilala pa nila ako.
"You did a great job, Mason," si Vandryk at tinapik tapik pa ang ulo ng anak. Napangiti naman ako.
Humagikgik ang bata at tumingin sa kaniya. "Nakakainis po. Ang init init na nga po hinarangan pa nila tayo," ngumuso ang anak ko.
"Mainit talaga dito sa Pilipinas kaya masanay ka na, hmm?" sabi ko na lang.
Ngumuso siya at magalang na tumango. "Opo, Mama Nanay. Attorney po pala ikaw? Gusto ko din maging attorney, Mister eh."
Nanlaki ang aking mata. "Bakit naman?" tanong ko.
"Gusto ko mabigyan ng hustisya ang mga inapi, Mama Nanay," my son said with conviction in his voice.
Nagkatinginan kami ni Vandryk, punong puno ng amusement ang mata ni Vandryk. Nabilib sa anak niya ah.
"You want to be an attorney? Wow, that's great!" si Vandryk at hinalikan ang noo ng anak.
No doubt, anak nga niya si Mason.