Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang tumira dito si Ms. Castillo. Noong una ay wala naman akong problema sa kaniya dahil natulong siya sa mga gawaing bahay kahit hindi ko naman sinasabi. Pero ngayon ay pansin ko na nagbago ang ugali niya. Kung dati ay nahihiya siya sa akin ngayon naman ay walang ilang ilang kung makatitig siya sa akin. Minsan pa nga ay naabutan ko na iniirapan niya ako kapag nilalambing ako ni Vandryk. Hindi ko na lang pinagtutuonan ng pansin. Baka kasi nabigla lang siya at biglang napa-irap. Nasa kwarto ako at nags-scroll lang sa cellphone ko. Nasa opisina si Vandryk at si Mason naman ay nasa tabi ko. Nakayakap sa akin at pinaglalaruan ang buhok ko. Weekend ngayon kaya walang pasok si Mason. It's saturday. "Mama Nanay, can I ask you something?" biglaang tanong