Tulala ako habang nakatingin sa pintuan ng operation room. The Doctors need to remove the bullet on Vandryk's stomach. Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. Kung hindi dahil sakin ay hindi sana siya mapapahamak. Kung hindi niya binigay sakin ang bullet proof niya edi sana hindi siya natamaan ng bala. "Avrielle, you're spacing out," napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Carson. Napalunok ako't napatingin sa kaniya, "H-huh?" nagtatakang tanong ko. Bumuntong hininga ito, "Vandryk is stable. Naalis na ng maayos ang bala sa tiyan niya. Kailangalan niya lang ng pahinga. Si Ellaine naman ay nasa mental. 'Wag ka mag-alala hindi 'yon makakatakas doon." Pilit akong ngumiti ay nagpasalamat. Ang pag-aalala ko kay Vandryk ay nawala na dahil sa narinig. Thank God, hindi niy