[Third Person's POV] Baaanggggg!!!!!!! Dugss!!!!!!!! Ughh!!!!!!!!!!!! Isang malakas na kalabog at may bigla nalang bumagsak sa sahig. "Tyke! No! This can't be happening! " Hysterical na sigaw ni Georgina, hindi ito ang gusto niyang mangyari si Celestina ang dapat na nakabulagta ngayon sa sahig at hindi ang lalaking pinakamamahal niya. Mula sa pagkakapikit ay idinilat ni Celestina ang mga mata at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita si Tyke nakahiga sa sahig at duguan, iniharang nito ang sariling katawan ng iputok ni Georgina ang baril kay Celestina, mas minabuti niyang siya ang tamaan kaysa makita niya ang babaeng minamahal na masaktan, ginawa niyang protektahan si Celestina sa abot ng kaniyang makakaya. "Tyke! Tyke! Gumising ka Tyke! " nag iiyak na si Celestina