[Third Person's POV] Mag iisang buwan narin mula ng lumipat si Sarah sa condo ni Migs. Wala silang malinaw na pinagusapan, sa mga mata ng kanilang anak ay ipinapakita ni Migs na isa silang masaya at nagmamahalang mag asawa, pero kapag hindi naman nakatingin ang bata ay parang balewala lang si Sarah dito, lahat ng iyon ay pinagtitiisan niya ang mahalaga para sa kaniya ay masaya ang kaniyang anak at kahit ano pang pagbabalewala at pananakit sa kaniyang damdamin ang iparamdam sa kaniya ni Migs ay desidido na siyang tanggapin ang mga ito, magkaganun man hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa lalaking matagal na panahon niyang pinangarap ang nagiisang lalaking minahal niya mula nuon hanggang ngayon. "I already enrolled Chloe sa International School, she's turning four next month best a