[Third Person's POV] Agendum: Solano-Monteclaro Group of Companies stock holders meeting. Matamang nakatingin si Migs sa kaibigang si Dylan, magkatapat lang ang kanilang upuan at kitang-kita niya ang kakaibang sigla sa mga mata nito, simula pa ng nakalipas na tatlong araw na makita niya ito sa Japanese restaurant na may kasamang magandang babae at cute na bata, hindi niya pa nagagawang tanungin ito tungkol duon dahil naging busy siya sa mga negosyo. Hindi naman siya pansin nito dahil abala ito sa kaniyang cellphone at meron yatang ka-text dahil panay ang tipa nito sa keyboard niyon. Ladies and Gentlemen let's give a warm of applause for the President and CEO of SMGC [Solano-Monteclaro Group of Companies] at pagkasabing iyon ng Emcee ay nagsipagsunudan naman ang mga tao sa confer