“Happy birthday, bunso!” sabay-sabay na sigaw nina Gigi at ng mga kapatid niya. Malaki ang ngiti ni Gigi habang nakatingin sa pamilya niyang masayang nagbibiruan.
Ngayong araw ang ika-tatlong taong kaarawan ng bunso nilang kapatid na si Sophia. Masayang tinitigan ni Gigi ang kaniyang kapatid na malawak ang naging ngiti nang makita nito isang malaking cake na binili niya.
“Blow your cake na baby Sophia!” sigaw ng kaibigan ni Gigi na si Dyosa. Kinarga nito ang bata at inilapit sa lamesa na may pagkaing handa. Hindi masyadong marami ang handa nila para sa karawaan nito pero kuntento si Gigi dahil kompleto sila, at nandito din ang kaibigan niyang si Dyosa at Gracia.
Itinaas nito ang kamay at pumalakpak habang nakataas ang mga kamay. Mabilis na inihipan nito ang cake na binili nila para dito ang tumili. Natawa silang lahat sa reaksyon nito.
Walang ibang bisita kun’di sila lamang kasama si Dyosa. Inimbitahan din ni Gigi si July pero hindi raw ito makakapunta dahil may ibang lakad ito ngayong araw. Hindi na nag-imbita si Gigi ng mga kapit-bahay dahil hindi rin naman ang mga ito pupunta dahil pinandidirihan sila ng mga ito. Iyon ay dahil sa trabaho ng mama niya noon at dahil na rin sa trabahao niya ngayon.
“Hoy, mag-kwento ka, bakla. Masarap ba iyong client mong galante?” maintrigang tanong ni Gracia kay Gigi. Tinabihay nito si Gigi sa loob ng kusina nila kasunod nito si Dyosa na halatang na intriga rin.
Si Gracia ay kasamahan niya sa club, nagsasayaw rin ito sa entablado pero hindi ito nagpapa-take out sa mga customers.
“Oo nga, ambunan mo naman kami kahit sa imagination lang namin nakikita kung gaano ka-hot si daddehh,” maarte nitong saad. Natawa si Gigi sa mukha ng kaibigang bakla, talagang nilabas pa nito ang dila no’ng sabihin ang salitang daddy. Kaloka talaga.
Naikwento kasi ni Gigi sa mga kaibigan tungkol sa kliyente nito ngayon na kaibigan ni Alfie. Gigi never left a detail, lahat ng mga nangyayari sa buhay ni Gigi ay ikinikuwento nito sa kina Dyosa at Gracia. They weres her only trusted friend that doesn’t judge her and accepted her who she really is. Hindi takot ang dalaga na malaman ng mga kaibigan at sabihin lahat ng sekreto at problema niya.
“Anong masarap? Walang nangyari sa amin, bakla. Pinagsayaw lang ako pagkatapos ay pinalayas na. May pinagdadaanan yata ang taong iyon,” nakangusong sagot ni Gigi. Naalala na naman niya kung paano siya pinaalis ng lalaking iyon pagkataos niyang sumayaw sa harap nito kagabi.
“Ay, totoo? Hindi ka man lang hinawakan o hinalikan?” hindi makapaniwala si Dyosa sa narinig.
“Hindi tinigasan, girl? Baka bakla iyon at kailangan lang niyang patunayan na mas bet niya ang tsumupa kesa dumila,” bulgar na komento ni Gracia.
Umikot ang mga mata ni Gigi. Hindi pa pa rin nawawala ang inis niya. Iisipin niya pa lang na magkikita na naman sila nito mamayang gabi ay agad na umahon ang iritasyon sa puso niya. Kung kagabi ay naiyak siya sa sama ng loob, ngayong umaga ay naiiyak siya sa inis sa lalaking iyon.
“Hindi bakla iyon, nag-dyakol lang sa harap ko, girl. Nang malabasan ay pinalayas na kaagad ako. Ang bastos.” Makasimangot si Gigi. Kinuha niya ang fruit salad na nasa ref at naglagay sa isang plastic container.
“Talaga? Hindi naakit sayo, bakla? Nalalaos na ka yata, girl.” Nakaiiritang tumawa si Dyosa na mas lalong ikinalukot ng mukha ni Gigi.
Inis na hinampas niya ng plastic na pinggan ang kaibigan at masama itong tiningnan.
“Alam mo, makakainis ka. Anong matanda yang pinagsasabi mo? Mas matanda ka nga sa akin, baklang ‘to.”
“Teka, ilang taon na ba ‘yang si galante? Sabi mo mukha siyang matured, tantiya mo ilang taon na kaya iyon? Baka may erectile dysfunction iyon at ginawa kang sample specie.” Si Gracia.
“Hindi rin kasi tigas na tigas iyong ari niya, bakla habang nagjajkol sa harap ko, ungol nga ng ungol. Ang dami pang nilabas ng gago,”
“Gaano kalaki ba?” kuryosong tanong ni Dyosa. Tila nagningning pa ang mga mata nito.
Umirap si Gigi. Ayaw niyang sabihin sa kaibigan na parang iyon na yata ang pinakamalaking ari ng lalaki ang nakita niya sa buong buhay niya.
Napakagat ng labi si Gigi nang maalala kung gaano kalaki at kataas iyon. She was actually excited when she saw him do his thing in front of her. Napakaguwapo nito habang matiim itong nakatitig sa kaniya. Gigi was almost lost with the way he stared at her. Soul-deep and penetrating.
“Hoy! Hindi ka na nakasagot d’yan? Malaki ano? 8? 9? 10? Ano?!” pangungulit ng kaibigan.
Inirapan lang ni ito ni Gigi at pinagpatuloy ang pag kuha ng pagkain para ibalot. Magdadala siya ng pagkain para sa mga kasamahan niya sa club mamaya. Ang dalawang kaibigan ay nakatayo lang sa gilid ng labobo habang, si Dyosa ay kumakain ng fruit salad habang si Gracia ay spaghetti ang pinagtripan.
“Ewan ko sa’yo! Kung anu-ano ang mga tinatanong mo, labas ka na nga, ang gulo mo dito.” pagtataboy ni Gigi.
For some reason, Gigi don’t want to disclose the fact that her latest client was so huge, in fact, the biggest she’d ever seen. Gusto niyang sa kaniya lang ang impormasyon na iyon. Gusto niyang sa kaniyan lang iyon.
Napailing si Gigi, ang suwerte talaga ng mapapangasawa ng lalaking iyon. Nakilala na niya ang babaeng noong dinala siya ni Alfie sa engagement party ng mga ito. Maganda ang babae at halatang may lahing banyaga. She looked like a Latina model. May kaunting insecurity na naramdaman si Gigi. That woman was so lucky to be born with a silver spoon in her mouth. Hindi na nito kailangang kumayod ng todo para magkapera at madali lang para dito na makakita ng matinong lalaki na mapapangasawa dahil may pinag-aralan ito at galing sa mayamang pamilya.
“Ano? XL ba? Jumbo hotdog, bakla? Sige na, hindi ko naman aagawin iyang si galante, hindi ka nga pinatulan ako na na peke na kepyas lang ang meron.” Hindi talaga ito tumigil at sige pa rin sa pangungulit.
“Maliit nga! Sobrang liit! Happy na? Alis ka na nga dito, pakainin mo na lang si Pia nang may pakinabang ka naman, alam kong marami ka na namang bring house mamaya.” Taboy ni Gigi.
Nagmamaktol na lumabas ng kusina ang kaibigan, napailing na lang si Gigi. Itinuloy nito ang pagbabalot ng pagkain. Pupunta muna siya sa club mamaya bago puntahan ang lalaking iyon. He didn’t even tell her his name, hindi rin niya naalala ang pangalan nito noong ipinakilala ito ni Alfie, ang tangingn naalala niya ay ang apelyido nito, Romano. Tunog mayaman at tunog masarap.
Sa totoo lang ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman para sa lalaking iyon. Sa unang pagkakataon kasi ay ngayon lang siya nakadama ng excitement para sa isang kliyente. Siguro dahil sobrang guwapo nito at sa paningin ni Gigi ay ito iyong ideal man niya. Iyon lalaking puwedeng mag-aahon sa kaniya sa kinasasadlakan niya ngayon.
Pero agad naman naglaho ang kaunting pag-asa na namumuo sa puso niya. Alam niya kasing walang lalaki ang magseseryoso sa kaniya, maliban na lang siguro doon sa hindi alam kung ano ang tunay niyang trabaho.
Itinabi niya ang mga binalot na pagkain at lumabas na ng kusina.
Naabotan niyang masayang nagkukulitan ang mga kapatid niya kasama si Gracia, lahat sila ay nakaupo sa bagong sofa na nabili niya noong nakaraang buwan. Ang mama niya ay masayang nakipagkwentuhan kay Dyosa habang pinapakain nito si Pia.
Her heart sunk as she looked at Pia’s smiling face. Napakaganda nitong bata lalo na kapag tumatawa ito, lumilitaw ang dalawa nitong biloy sa magkabilang pisngi, katulad ng sa kaniya. Pia got their skin color from her mother, napakaputi rin nito.
Malakas itong humagikhik nang si Dyosa naman ang nagpakain nito. Gigi felt a different kind of happiness looking at her family like this. Nawawala lahat ng panghihinayang at lungkot niya kapag nakikita niyang masaya ang mga ito. Iyon lang naman ang gusto niyang makita.
“Ate, kain ka na,” tawag ng kapatid niyang si Andrei. Nasa highschool na ito at ang laki-laki na rin, mas matangkad pa sa kaniya.
“Anak, halika dito,” tawag ng mama niya. Malaki ang nabawas sa timbang nito simula nang malaman nilang may sakit ito sa baga at puso. Awang-awa siya sa ina, wala na ang dati nitong alindog na hinhangaan ng husto ni Gigi.
Ngumiti si Gigi at lumapit sa kanila. Nang makita siya ni Pia ay nagpupumiglas ito kay Dyosa para makababa, hinyaan lang ito ni Dyosa.
“Ate! Karga!” sigaw ni Pia nang makalapit kay Gigi, itinaas nito ang dalawang kamay para magpakarga sa kaniya.
Natatawang inangat ni Gigi ang bata.
“Ang bigat na nga bunso naman! Kada birthday ay bumibigat ka yata,” nakangiting komento ni Gigi, kiniliti nito ang bata.
Sumigaw ito at humagikhik.
“Lab-lab, ate!” masaya nitong sigaw at tumawa. Lahat sila ay natawa sa inakto ng bata. Sa kanilang lahat ay mas malapit silang dalawa ng bunsong kapatid. Dahil iyon sa palagi niyang pagbili ng mga laruan para dito. She's the angel in their lives. Napaka-inosente nito at mahal na mahal ni Gigi ang bata. The innocence in Pia’s eyes was something that Gigi loved so much, and she promised herself that she’ll protect it no matter what. Hindi niya hahayaang matulad ito sa kaniya, kahit na ang dalawa niyang kapatid, gagawin niya ang lahat para maging maayos ang buhay ng mga ito.
Sapat na siya lang ang nasa putikan, hindi niya hahayaang pati ang mga kapatid niya ay masadlak sa ganitong klaseng buhay.
“Lab-lab din ni ate si Pia! As in super lab-lab!” Gigi rained kisses on the child’s face which earned another shriek from Pia.