“Sir, Mr. McIntosh is waiting inside your office.” Iyon ang sinalubong ni Markus sa amo niya nang papasok na ito sa opisina. The scowl in Fabian’s face screamed trouble for the employees. Kapag ganito ang itsura ng amo nila ay talagang nag-iingat sila na makagawa ng mali dahil siguradong masisisante sila. Ito ‘yung mga panahon na ayaw nila na mapansin sila ng kanilang boss. Napalunok ang pobreng sekretarya. Nanginginig ito dahil mas lalong dumilim ang mukha ng amo niya pagkabanggit niya kung sino ang tao na naghihintay dito sa loob. Alam naman ni Markus ang dahilan kung bakit masama ang timpla ng amo. Fabian didn’t say anything, he didn’t even glance at his secretary. Nagmamadaling binuksan ni Markus ang pintuan ng opisina para makapasok ang amo. Inihanda niya ang sarili