Happiness is something that money can’t buy. For other people’s perspective, they see happiness as a reward for grinding oneself to work and have enough money in their pockets. Iba-iba man ang panananaw ng tao tungkol sa pera ay iisa lang din ang punto ng lahat ng ito, importante ang pera sa buhay ng tao. Iyon ang paniniwala ni Gigi noong hindi niya pa nakilala si Fabian. She often thinks that money is the answer to all her problems. Pera para sa gamot ng mama niya, pera para sa tuition ng mga kapatid niya, pera para may makain sila sa bawat araw. Noon ay ‘yun lang talaga ang iniisip ni Gigi, but it’s different now. Nakangiti na binalingan ni Gigi si Fabian habang nakahiga ito sa isang sun lounger. Napakaguwapo nito tingnan, wala itong suot na pang-itaas at tanging swimming tru