Kagat-kagat ni Gigi ang hinlalaki niya habang nakatitig sa cellphone niya, kanina pa siya pabalik-balik ng tingin sa cellphone at kahit na naiinis siya sa sarili. Pina sa galitan na nga siya ni Dyosa dahil nagiging clingy na raw siya binata na kung tutuusin ay kliyente niya lang naman ang lalaki. Gusto niya maglupasay dahil halos isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Fabian. Kahit isang tawag o isang text man lang ay wala talaga, at nababahala na siya. Did he realize already that she’s not worth his time and money? Ayaw na ba nito sa kaniya? May nakita ba itong mas fresh sa kaniya? Ang dami nang lumulutang na mga katanungan sa isip ni Gigi. “Hoy, ‘wag mag-over think, bakla. Sabi ko naman sa’yo iwasan ma-fall sa mga kliyente. Nangyari na ‘tan sa akin at sinasabi ko sa’yo, ang