Chapter 35

1547 Words

INABOT ng mahigit isang oras ang dinner nila Elise. Sinagot lang ni Terrence ang upa sa private dining room at siya na ang nagbayad sa pagkain. Nakapag-ipon na rin siya mula sa kaniyang sahod. Balak kasi niyang bibili ng sarili niyang bahay kahit hulugan. Matagal na niya iyong gusto. Pagkatapos kumain ay naglibot pa sila ni Terrence sa siyudad. Na-refresh din ang utak niya nang makalanghap ang sariwang hangin sa gabi. Tumambay pa sila ni Terrence sa tabing dagat at pinanood ang langit na puno ng bituin. Ayaw pa niyang umuwi dahil tiyak na babalik ang sakit sa kaniyang puso. Nakaupo lang sila sa malaking sanga ng kahoy na naroon sa pampang. May baon pa silang red wine na binili ni Terrence. “Parang hindi maganda ang mood mo kanina. May nangyari ba?” basag ni Terrence sa katahimikan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD