HINDI nakatanggi si Terrence sa paanyaya ng mga pinsan nito na uminom ng alak. Pero bago ito sumabak sa inuman, hinatid nito si Elise sa rest house. “Dito ka para safe. Nagiging halimaw ang mga pinsan ko kapag nalalasing,” sabi ni Terrence. Hinatid pa talaga siya nito sa guest room. Nakatulog na si Sister Feliz kaya walang sasaway sa mga lasing. “Doon ka ba matutulog sa yate?” tanong naman niya sa binata. “Ah, not sure. Depende kung makayanan ko pang umuwi rito, dito ako matutulog. Mag-lock ka lang ng pinto, alam ko naman ang password.” Ngumisi ito. Napamulagat siya. “Dito ka matutulog sa kuwarto?” manghang untag niya. “Ayaw mo ba?” Ginupo siya ng kaba nang maisip na baka atakihin siya ng trauma once makitang lasing si Terrence. “Kasi ayaw kong makakita ng taong lasing,” sa