NATARANTA si Elise at natawagan bigla si Seth. Sinabi niya rito ang nangyari kay Terrence. Dumating naman ito kaagad kasunod si Mang Toni. Pinagtulungan ng mga ito si Terrence na binuhat pasakay ng kotse. Hindi na siya pinasama ni Seth sa ospital. Ito na umano ang bahala kay Terrence. Hindi na siya nakatulog nang maayos. Maaga rin siyang nagising at nag-impake ng iilang damit ni Terrence na dadalhin sa ospital. Hindi na niya ininda ang pananakit ng katawan. Nagluto na siya ng almusal at pagkaing babaunin. Pagsapit ng alas-otso ng umaga ay nagpahatid siya sa driver ng poultry sa ospital kung saan naisugod si Terrence. Nasa recovery ward na si Terrence pero tulog pa. Si Mang Toni ang nadatnan niya roon. “Si Seth po?” tanong niya sa ginoo. “Lumabas lang sandali at kinausap ang doktor,