Caela. "Ma... Pa... pwede po bang 'wag na tayong magkaroon ng enggrandeng handaan?" Pakiusap ko sa kanila. Hindi naman kailangang magarbo basta kasama ko sila sa importanteng araw ko, okay na ako. "Hindi pwede anak, ito ang pinaka-importanteng araw sa buhay mo kaya dapat lang na pinaghahandaan ito. And we will finally introduce you to all of them." Sagot naman ng Papa ko. Nandito kami sa kwarto, kaming tatlo lang. "Do we really need to do that? Hindi ko na po ba mapapalitan ang desisyon ninyo?" Muli kong tanong sa kanila bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Sweetie, we want to inform them that we already found you. Hindi naman pwedeng habambuhay nating itatago ang lahat sa kanila. And I want to call you in the name that I've given to you." My mother said while caressi