Caela. "Hinay-hinay naman sa pag-atake, leader. Masisira mo ang gwapo kong mukha. Sayang, maraming iiyak na babae." Sigaw ni Ian habang patuloy na umiiwas sa pag-atake ni Dash. Nasa training grounds kami ngayon at silang dalawa ang kasalukuyang nagsasanay. Samantalang ang mga natitirang Superiors ang nagsilbing audience sa kanila. Halos manlaki ang mata ko nang magpalabas pa si Dashiell ng isang fire phoenix at walang atubiling sinugod nito si Ian. Hingal na hingal na si Ian sa pagtakbo, tagaktak na rin ang pawis niya kanina pa. Wala yatang balak tumigil itong trainer niya! "Leader, parang-awa mo na!" "Tss." Tanging sagot ni Dash sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagbato ng mga malalaking fireballs kay Ian. "Wala talagang mapapalang matinong sagot diyan kay Leader." naiiling na sa