Caela / Avrice Jazze. "Love, wake up!" Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang makaramdam ako ng mararahang tapik sa braso ko. Unang bumungad sa aking paningin ang gwapong mukha ng mahal ko. "You're having a nightmare." Sabi niya sa akin habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko. "T-thanks." Inaalalayan niya akong tumayo sa kama, medyo masakit pa ang ilang parte ng katawan ko. Habang inaalala ko ang mga nangyari kanina'y biglang pumasok sa isip ko si Zoey. "Love... si Zoey? N-nasaan si Zoey?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya bago naglakad patungo sa pinto kahit na nga ba hindi pa ako masyadong nakakabawi ng lakas. "Sandali lang, baby. You need to rest first." Pigil niya sa akin kaya hindi ko naituloy ang gagawin sanang paglabas sa kwarto. "No, Dash. Hindi ako maaaring magpahinga