Wakas II

1811 Words

Grabe ang sakit na nararamdaman n'ya. Hindi ko na alam ano pa ang gagawin ko para mapawi lahat ng sakit na nararamdaman n'ya. Hindi ko kayang nakikita s'ya ng ganito. Walang pakialam sa kan'ya ang pamilya n'ya. "Ipaliwanag kung paano mo kami baliwalain? Ipaliwanag ang ano? Kung paano nagpakamatay ang Mommy ng dahil sa'yo? Kung paano mo kami pabayaan? Kung paano mo saktan ang Kuya? Ano? Sabihin mo lahat!" Hinihingal ako habang sinasabi ko 'yun sa harapan ng ama ko. Ang saya ko, ang saya ko dahil may hinanda sa akin si Aestria pero makita ang lalaking 'to? Galit na lang ang nararamdaman ko. "Ayokong makita kita or marinig ang boses mo, makita pa ang anino mo! Alam mo 'yun pero bakit pumunta ka dito?!" Sigaw ko. Nakita kong napapikit 'to. Naramdaman ko ang hawak ni Aestria sa braso ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD