Sacarias got home at seven pm. Hindi kami nagpansinan. Hindi s'ya kumain at ako kumain mag- isa pero hindi marami. Imbis na sa kwarto n'ya ako pumasok ay doon ako sa dating kwarto. Nilock ko ang pinto at nahiga sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may bumabara sa paghinga ko. Huminga ako ng malalim at pinapakalma ang sarili. Damn! Bakit ganito? Nakakapagod. Kahit wala naman akong ginawa ay pagod na pagod ako. Tumulo ang luha ko pero agad kong pinunasan 'yun. Tahimik akong nakahiga at hinayaan na lang tumulo ang luha ko hanggang sa makatulog ako. Nagising ako dahil sa humahalukay sa tiyan ko. Kaya tumakbo agad ako sa cr at sinuka. Wala akong maisukang gaano dahil hindi naman ako nakakain ng maayos kahapon. Wala akong maramdaman na gutom. Pero ang pagod ay sobra. Hindi ko m