Mabilis ako tumakbo palayo doon na umiiyak. Siguro kaya ayaw din nila sa akin dahil babae ako. Kung sana naging lalaki ako? Edi tanggap nila ako. Ngayon, may anak sa ibang babae si Daddy. Baka masira na ng tuluyan ang pamilya namin. Humiga ako sa kama habang hawak hawak ang manika ko na bigay ng kapatid ko. Sasabihin ko ba sa ate ko? Nang dumating ang mga kapatid ko ay agad pumasok si Ate Aleneya sa kwarto ko para halikan ako sa noo. Tumitig ako sa magandang muka n'ya. Hindi ko mapigilan malungkot sa mga narinig ko. Hindi nila ako mahal dahil babae ako. Sana lalaki na lang ako para mahal na mahal nila ako pero hindi 'e. Saka ko naalala ang mga narinig ko kanina lang. "A-Ate..." mahinang tawag ko. "Ano 'yun bunso? Pinagalitan ka ba nila Mommy?" agad akong umiling. Sasabihin ko ba? P