Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Kier. Ang lalaking laging nakasunod sa akin noon. Ang lalaking nagtatanggol sa akin mula sa mga schoolmates ko. Bumuhos ang luha ko habang nakatingin sa kan'ya. Humagulgol ako sa harapan nito. Hindi ko aakalain na maliligtas ako. Hindi ko aakalain na makakatakas ako at dahil kah Kier. Agad ako nitong niyakap nito at sinubsob ang mukha ko sa kan'yang dibdib. "B-Bakit ganyan itsura mo? Ano nangyari?" hindi ako nakapagsalita. Muntik na ako mapahamak. Muntik na... Nanginginig ang katawan ko sa takot. "Shhh. Ako 'to, si Kier. Ano ba nangyari? Wag kang umiyak. Iuuwi na kita." mabilis akong umiling sa kan'ya. Ang dibdib ko. Hinihingal ako at hinang hina. Hindi alam ang gagawin. Paanonkung nahabol nila ako? Ano na mang yayari sa akin? Ano na gagawin