Sa mga nagdaan na mga buwan ng paglilihi ko ay wala akong narinig na kahit na anong reklamo mula kay Caliver. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ko. Naging clingy din ako at madalas na nasa tabi ko lang siya palagi. Lahat ng mga kaartehan ko natiis ni Caliver. At ngayon heto kaming dalawa, nakaupo sa may garden at nakatingala sa mga bituin sa langit. Next month manganganak na ako ng isang lalaki. Akala ko nga baby girl pero hindi naman pala. "Excited na akong makita ang baby natin, babe. Sino kaya ang kamukha niya? Ako kaya o ikaw? O baka naman sina Mommy at Daddy," ani Caliver habang hinahaplos ang tiyan ko. "Siguro magiging kamukha mo siya dahil pinahirapan kita habang pinaglilihi ko siya." Hinawakan ko ang kamay ni Caliver at ngumiti sa kanya. "Ginawa ko ang lahat para sa baby natin