Chapter 35

2135 Words

Habang nakatingin ako kay Fiona ay awa ang nararamdaman ko at galit sa sarili ko. Hinayaan kong mahalin ko si Caliver at ang pagmamahal kong iyon ay alam kong hindi kayang tumbasan sa nakikita kong pagmamahal ni Fiona kay Caliver. Naging selfish ako simula noong bata ako at hanggang ngayon. Ngunit sa oras na ito... maipagmamalaki ko na kay Daddy na hindi lang sarili ko ang iniisip ko kun'di ang kapakanan ng ibang tao. "Tumakas ka na, Lunnox. Iwan mo na ako dito," umiiyak sabi sa akin ni Fiona habang inaalalayan ko siya na makatayo. Nasa likod namin si Brandon na gumagamit ng baril na may silencer para hindi makagawa ng ingay sa labas. "Hindi ako aalis dito na hindi kita kasama, Fiona. Kapag hinayaan kita dito na mag-isa para ko na ring pinatay ang sarili ko. Kaya please lang, nakikiusap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD