Sinabi ko sa sarili ko na ayoko na pero heto ako ngayon nasa harapan ko ang lalaking ginusto kong makasama sa habambuhay. Pagkatapos akong samahan ni Caliver sa clinic para magpa-check up ay sinabi ko sa kanya na puntahan namin si Fiona dito sa memorial park kung saan ito nakalibing. Maraming mga bulaklak ang palibot ng mausoleum ng pamilya ni Fiona. Ibinaba ko sa ibabaw ng puntod nito ang white roses at nagsindi naman ng kandila si Caliver. Naupo kaming dalawa sa bench na nasa gilid ng puntod. Hinawakan ni Caliver ang kamay ko habang natingin sa puntod ni Fiona. "Marami siyang mga itinuro sa akin, babe. Hindi ko magagawang kalimutan kung paano ako naging malakas dahil sa kanya. Sa huli... gusto niyang piliin ko na maging masaya kasama ka. Siguro nga kung nandito pa siya baka masermunan