MARAHAS na itinulak ni Camia si Cole nang maramdaman niya na naghahangad na ito ng higit pa sa isang halik. Bumangon siya at inayos ang kanyang sarili. Inimbita lang siya nito na maghapunana sa apartment na tinutuluyan nito at pagkatapos nga ng hapunan ay nauwi sa paghahalikan ang kanilang kuwentuhan. Isang taon na niyang kasintahan si Cole at ito ang unang lalaking minahal niya. Pero kahit mahal niya ito, hindi niya basta maibibigay rito ang kanyang pagkaberhin. Hindi pa siya handa kahit pa nasa hustong edad na siya. Twenty-five years old na siya at noon lang nagkaroon ng panahong makipagrelasyon dahil mas una niyang minahal ang trabaho bilang agent ng St. Bernard Intelligence Agency.
Walang imik na lumayo sa kanya si Cole. Pumasok ito sa kusina at kumuha ng naka-latang beer. Sinundan niya ito para magpaalam.
“I have to go. Thanks for the dinner,” aniya.
“Okay. Next week magiging busy kami sa kompanya kaya hindi na kita masusundo madalas,” sabi nito.
“Sige. Naintindihan ko. Busy rin kami sa agency. Tatawag na lang ako.”
“Hm. Ingat ka.”
Ngumiti lang siya. Humalik siya sa pisngi nito saka lumisan. Hindi man lang nag-abala si Cole na ihatid siya pauwi sa bahay niya bagay na palagi nitong ginagawa. Mukhang nagtampo na ito sa kanya. Sumakay na lamang siya sa taxi pauwi.
Isang linggo ang lumipas…
Halos kada oras sinusubukang tawagan ni Camia si Cole pero hindi siya nito sinasagot. Tatlong araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Hindi rin ito sumasagot sa mensahe niya at lalong hindi ito on-line sa f*******:. Nag-aalala na siya. Naisip niya, baka nagtampo na sa kanya ang binata dahil hindi niya ito napagbigyan sa gusto nito.
Katatapos lang niyang mananghalian at tumatambay siya sa agent’s office ng agency. Wala siyang ginawa kundi tawagan si Cole. Nilalaro niya sa palad ang kumpol ng susi. Kasama roon ang duplicate ng susi ng apartment ni Cole na ibinigay sa kanya. Hindi pa rin sumasagot si Cole pero ring lang nang ring. Pumiksi siya nang may lamok na kumagat sa leeg niya. Sinampal niya ang sariling leeg pero hindi niya napatay ang lamok na kumagat, sa halip ay nahagip ng kamay niya ang kuwintas na suot niya at napigtas. Nahulog ito sa sahig kasama ang pendant.
Napatitig siya sa nahulog na kuwintas. Iyon ang unang beses na napigtas ang kuwintas na regalo pa sa kanya ni Cole sa unang anibersaryo ng relasyon nila. Pagkuwan ay pinulot niya ang pendant kasama ang naputol na necklace. Unique ang pendant na iyon na hugis pyramid at may nakaukit na mata sa gitna. Sa gitna ng mata ay mayroong butas na kasing laki ng butyl ng mais. Yari ito sa ginto at may kabigatan.
“Bigay pa ng nanay ko ang kuwintas na ito. Wala akong maisip na regalo na magugustuhan mo kaya ito na lang. Ingatan mo ito. Ito ang magpapatunay ng pagmamahal ko sa ‘yo. Hanggat suot mo ito, walang maaring makapaghihiwalay sa atin.” Naalala niyang sabi noon ni Cole.
Bigla siyang inalipin ng hindi maipaliwanag na kaba. Aksidenteng naputol ang kuwintas. Isa iyong masamang pangitain. Naniniwala siya sa mga pangitaing ipinapahiwatig ng mga bagay. Lumaki siya sa pamilyang naniniwala sa usaping paranormal. Conservative ang pamilya niya at relehiyoso. Namatay ang parents niya noong sixteen years old siya dahil sa airplane crash.
Pinalaki siya ng grandparents niya na may-ari ng St. Bernard Intelligence Agency, pero dahil sa malubhang sakit ng lolo niya, naibenta nito ang agency sa isang retired police. Pero nanatili ang shares niya sa kumpanya at patuloy siyang nagtatrabaho rito bilang agent. Namatay ang lolo niya noong nakaraang taon dahil sa colon cancer. Malaki ang pasasalamat niya sa grandparents niya dahil suportado ng mga ito ang pag-aaral niya hanggang college. Nakatapos siya ng two years sa kursong BS Criminology at nag-proceed siya ng pag-aaral ng Forensic Sceince sa US at nag-specialize sa ballistics. Maliban sa Intelligence work, nagtatrabaho rin siya sa forensic laboratory ng NBI.
Nang dumating ang mga kapwa niya agent ay itinago niya sa kanyang bag ang kuwintas. Saka na lang siya bibili ng bagong necklace kapag nagkita na sila ni Cole. Halos babae ang agent na kasama niya at parang hindi agent kung tingnan dahil mga nakaporma na tila pupunta lang sa isang disco bar. Si Nicole, maigsing pulang skirt ang suot at blouse na maluwag at kita na ang cleavage. Three inches ang takong ng sapatos nito. Si Cassandra, nakapantalon nga pero mukhang ginayat ng samurai ang biyas. Labas pusod at cleavage nito. Si Tanya, naka-dress pero kapag yumuko kita na ang pisngi ng puwet. Pare-parehong matataas ang takong ng sandals ng mga ito. Samantalang siya, pantalong maong lang at pulang blouse ang suot at sneakers ang sapin sa mga paa. Nasanay siyang ipinag-isang tali ang ga-baywang niyang buhok na tuwid at itim na itim. Walang ni-isang hibla na nakalaylay sa mukha niya. Sa pagandahan, may maibubuga rin siya. Natural ang katamtamang laki ng mga mata niya na mayroong light brown na eyeballs at mahahabang pilik. Namana naman niya ang matangos at makitid niyang ilong sa Lolo niya na may dugong Latino, maging ang maninipis at mamula-mula niyang labi. Katamtaman ang kaputian ng balat niya na makinis. Balingkinitan ang kanyang katawan at nagpapasalamat siya sa biyayang pagkakaroon ng malusog na dibdib at pang-upo. Kinaiinggitan din ng mga kasama niya ang kanyang taas na limang talampakan at pitong pulgada. Namana rin niya sa Lolo niya ang kanyang tangkad.
Sinubukan na naman niyang tawagan si Cole pero sa pagkakataong iyon ay out of coverage na ang numero. Nanlumo siya habang nakaluklok sa harap ng mesa niya. Umupo sa harapan niya si Tanya, na itinuturing niyang matalik na kaibigan. Kampante siyang ikuwento rito lahat ng pangyayari sa buhay niya. Magaling din itong magbigay ng payo.
“Hindi pa rin ba siya sumasagot?” nag-aalalang tanong nito.
Umiling siya.
Bumuntong-hininga si Tanya. “Alam na. For sure, nagtampo sa ‘yo si Cole. Obvious na nanlalamig na siya sa ‘yo. Puntahan mo na kaya siya sa apartment niya,” anito.
“At ano naman ang sasabihin ko sa kanya?” aniya.
“Tanungin mo kung ano ang problema niya. Kung maghihintay ka lang, walang mangyayari. Bakit kasi tinanggihan mo pa ang gusto niya? Hindi mo ba siya mahal?” usig nito.
“Mahal ko si Cole, mahal na mahal,” mariing sagot niya.
“O eh bakit tinanggihan mo siya? Hindi ka naman mamamatay sa s*x. Masarap kaya ‘yon. Mukhang sincere naman si Cole, mabait at pogi. Ano pa ba ang gusto mo? Obvious naman na mahal ka niya.”
Kinikilabutan siya. “I’m not prepared yet. Hindi ko pa kaya.”
“You’re just conservative. Hindi ka na bata at lalong hindi ka ipinanganak kahapon. I tell you honestly. Most of the guy hates conservative woman, boring. I just like you before. Takot din ako pero na-realize ko na para rin iyon sa ikabubuti ng relasyon. Of course, men need s*x, o kahit tayong mga babae.”
“But s*x before marriage was not formal.”
“Hay. Maka-old-fashioned ka lang at siguro dahil lumaki ka sa grandparents mo. But, girl, we’re now in the new generation. Marriage was not a big deal now a day. The important is, you know how to manage the relationship and show your sincere love. Look, dahil sa pagka-conservative mo, unti-unting nawawala sa ‘yo si Cole. If you really love him, you must give him what he needs.”
“Ano’ng gagawin ko?”
“Puntahan mo siya at ibigay ang gusto niya. Napakasimple lang ng gagawin mo. Maghubad ka sa harapan niya. Halikan siya at damhin ang kanyang katawan hanggang sa bumigay siya,” turo nito sa kanya.
“I can’t. It’s difficult to do than hunting the criminal,” aniya. Iniisip pa lang niya ang sinabi ni Tanya ay kinikilabutan na siya.
“So, gugustuhin mo talagang mawala sa buhay mo ang dearest Cole mo. If hindi mo kaya, uminom ka muna ng alak para lumakas ang loob mo,” sabi nito.
Pinag-isipan niyang maigi ang mga sinabi ni Tanya. Hindi niya kakayaning mawala si Cole sa buhay niya.
“Ayaw kong mawala si Cole. Samahan mo ako sa bar mamayang gabi, Tanya,” bigla’y desisyon niya.
“Okay.”
TUMIGIL sa pagtipa sa laptop si Remus nang pumasok si Torio. Nasa loob siya ng kanyang opisina habang tinatrabaho ang paperwork niya sa sarili niyang kumpanya. Tanging si Torio ang direktang nakakapasok sa opisina niya. Ito ang kanang kamay niya at nag-alaga sa kanya simula pagkabata.
“Did you find him?” tanong niya rito batay sa taong pinapahanap niya.
“He’s gone but I found his present address,” sagot nito.
“What do you mean he’s gone? You said he’s still working with us,” takang tanong niya.
“Yes but the employees said, he just gone during working hour. Nakita sa CCTV footage na may kausap siyang tao sa tapat ng maintenance office. The man was in undercover. Sumama ang target sa nilalang na ‘yon at walang nakakaalam kung saan sila pumunta. Hindi nakapag-log out ang target nang hapong iyon. After no’n, hindi na nagre-report sa duty niya ang target,” kuwento ni Torio.
“Okay. Have you seen the key from the target?” aniya.
“No.”
“Just give me the exact details of his address. I will find the key alone.”
“But, master…”
“Please, do what I said.”
“Okay.”
Isinulat naman ni Torio sa kaperasong papel ang address na hinihingi niya.
KINAGABIHAN din ay pinuntahan ni Remus ang address na ibinigay ni Torio. Pinasok niya ang tinutuluyang apartment ng target. Madilim sa loob. Kahit i-on niya ang switch ng ilaw ay hindi iyon bumukas. Naka-off ata ang plangka. Ginamit niya ang night vision niya para makita ang paligid. Hinalungkat niya ang mga gamit maging laman ng aparador. Nakarating na siya sa kuwarto nang makarinig siya ng yabag papasok sa unit na iyon. Hinawi niya ang kurtinang nakatakip sa bintana para pumasok ang liwanag mula sa labas. Bago pa siya nakapagtago ay bumukas na ang pinto ng kuwarto at pumasok ang babaeng pasuray-suray ang lakad.
Hindi siya nakahuma nang sugurin siya nito at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Nasorpresa siya sa ginawa nito. Nasasamyo niya ang amoy alak nitong hininga pero sa halip na awatin ito ay lalong naparalisa ang katawan niya dahil sa lapastangang paghubog ng mga kamay nito sa kanyang dibdib. Lalo lamang lumalim ang halik nito bagay na nagpalambot sa mga boto niya.
Marahas nitong hinubad ang suot niyang jacket kasunod ang kanyang kamesita. Mabilis siyang nadarang sa init nang mariing hubugin ng kamay nito ang kanyang dibdib. Ang malikot nitong labi ay tumulay pababa sa kanyang leeg. Napaatras siya hanggang saluhin ng pasamano ang likod niya.
“s**t!” bulalas niya nang madama niya ang isang kamay ng babae na dinakma ang kanyang p*********i.
Fuck! Who the hell is she?
Mabilis nitong naalis ang kanyang sinturon at naibaba ang zipper ng kanyang pantalon. Tuluyan nitong naibaba ang nalalabi niyang saplot. Pagkuwan ay nag-aapurang hubaran nito ang sarili. Namangha siya nang masilayan ang hubad na katawan ng babae. She was freaking hot!
“Oh s**t!” wika niya sa malamyos na tinig. Pakiramdam niya’y biglang nanuyot ang lalamunan niya.
Nang muling siilin nito ng halik ang kanyang mga labi ay hindi na siya nakapagpigil. Tumugon siya sa halik nito at hindi niya nasupil ang pagkabuhay ng init sa kanyang kaibuturan. Hindi niya napigil ang kanyang mga kamay na nagsimulang hubugin ang bawat bahagi ng katawan ng babae. Perpekto ang hubog ng katawan nito at para sa kanya ay malakas ang alindog at s*x appeal nito. Marami nang babaeng dumaan sa buhay niya ngunit noon lamang siya naakit nang sobra sa babaeng ni hindi niya kilala.
Mariing humubog ang mga kamay niya sa mayayamang dibdib nito habang lalong naging marubrob ang paghihinang ng kanilang mga labi.
“Uhhhmmm…” Umungol ito habang magkahinang ang kanilang mga labi.
Pinihit naman niya ito at ito ang isinandal niya sa pasamano. Pagkuwan ay pinaglakbay niya ang kanyang bibig sa leeg nito-pababa pa sa malulusog nitong dibdib. Umigtad naman ito kaya nabigyan siya ng kalayaang lasapin ang bawat dunggot ng dibdib nito. Ganoon din ang pangunyapit ng mga kamay nito sa batok niya’t likod.
Habang lumalasap ang kanyang bibig sa dibdib nito ay pinaglakbay naman niya ang isang kamay niya pababa sa puson nito, hanggang sa hubugin niya ang mayamang pang-upo nito. Bahagya niyang itinaas ang isang hita nito at dinama ang kaselanan nito. Natigilan siya nang matuklasang berhin pa ito. Titigil na sana siya ngunit muli siya nitong hinalikan. Itinulak siya nito patungong kama hanggang sa nabuwal sila’ng magkayakap. Pumaibabaw ito sa kanya at walang habas na pinupuno ng halik at pinong kagat ang bawat himaymay ng balat niya sa dibdib at puson.
“Oooohhh…” hindi niya napigilang humalinghing. Lalo siyang nasasabik sa ginagawa nito.
Hindi na niya ito napigilan nang damhin ng kamay nito ang kanyang sandata na labis nang naninigas. Hinubog nito iyon at kalauna’y iginiya iyon paloob sa inosente nitong p********e.
“Ugh!” daing nito at bahagyang natitigilan.
Naramdaman niya ang pagpupursige nitong angkinin siya nang buo kahit ito’y nasasaktan. Aawatin na sana niya ito ngunit ipinilit nitong ma-accommodate ang katigasan at kahabaan ng kanyang sandata. Walang tigil ang daing nito ngunit hindi magawang tumigil hanggang tuluyang sumagad siya sa kaloob-looban nito. Naramdaman niya ang pangangatal ng katawan nito. Naramdaman din niya at naaamoy ang sariwang dugo nito na labis na nagpatakam sa kanya. Nasinghap siya. Mamaya’y nagsalita ang babae.
“Pain doesn’t bothered me anymore, Cole. I just want to give you what you need. I will do anything for you. I love you so much,” wika nito sa hinahapong tinig.
Doon na-realize ni Remus na nagkakamali ang babae. Hindi dapat siya ang nasa posisyong iyon pero wala na siyang lakas na pigilan ito at huli na. Natanggap na niya ang virginity nito at ayaw niyang tumigil pa sila. Hinayaan niya itong kumilos ayon sa makakaya nito. Ngunit nang pakiramdam niya’y nakakaya na nitong balewalain ang kirot ay kumilos na siya. Nagpalit sila ng posisyon. Nang pumaibabaw siya rito ay sinimulan niyang umulos. Una’y mahinhin, hanggang sa hindi na niya makontrol ang kanyang galaw dahil na rin sa panlalaban ng katawan ng babae. Lalo siyang nag-iinit habang pilit siya nitong inaagawan ng lakas.
“Uhh! Uhh!” magkasunod na daing nito nang dalasan pa niya ang paglalabas-masok ng kanyang sandata sa kaselanan nito.
Pinihit niya ito padapa at inangkin ito buhat sa likuran. Lalo lamang nagpapalaya ng walang humpay na daing at halinghing ang bibig nito. Ilang sandali pa’y pinihit niya ito muli pahiga. Muli niya itong inangkin ngunit bigla siyang itinulak paupo saka ito pumangko sa kandungan niya. Yumapos na lamang siya rito at halinhinang nilalasap ang bawat dunggot ng mayayaman nitong dibdib. Dumalas ang pag-angat-baba nito sa kandungan niya habang patuloy sa pagpapalaya ng hibang na tinig ang bibig nito. Yumanig nang husto ang katawan nito at ganoon din ang pag-alog nang malakas ng malulusog nitong dibdib na labis niyang ikinatuwa. Gustong-gusto niya ang nangyayari at parang ayaw na niyang matapos. Ngunit sadyang may hangganan ang tagpong iyon. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ng kanyang kaniig, hudyat na naabot nito ang sukdulan ng pagnanasa nito.
Dagli niya itong inihiga at itinuloy ang pag-ulos dito. Bumilis pa ang kanyang pagkilos nang maramdaman niya ang nagbabadyang pagdating ng kanyang orgasmo. Hindi na rin niya maawat ang pag-iinay niya. Impit siyang napadaing nang tuntunin niya ang rurok ng tagumpay na nagpayanig nang husto sa kanyang kalamnan. Dagli niyang binawi ang kanyang sandata at pinalaya ang kanyang orgasmo sa puson nito. Matagal din siyang walang s*x kaya naninibago siya. Pero kahit matagal siyang nagpahinga ay ikinagulat pa rin niya ang naramdaman niyang pagnanasa. Hindi niya kilala ang babae at lalong hindi niya pinlano ang tagpong iyon. Pero hindi niya maikakailang satisfied siya o mas tamang sabihin na gusto pa niya ng kasunod.
Habang yakap niya ang kanyang kapareha ay ramdam niya ang malakas na t***k ng puso nito.
“Cole…” bigkas nito habang nasa ilalim pa rin ng pantasya nito.
Kilala niya ang pangalang binanggit nito. Hindi lamang siya kumibo. Nang kumalma ang kanyang kalamnan ay dahandahan siyang kumilos at bumangon. Pinagmasdan niya ang babae habang nakahiga at nakapikit. Obvious na lasing ito at wala sa tamang huwesyo ang pag-iisip. Sa huli ay nakadama siya ng guilt. Pero wala siyang magawa, natalo siya ng tukso.
Hinila niya ang kumot at itinakip sa hubad na katawan ng babae. Hindi niya maikakailang maganda ang babae. Mukha itong inosente.
“Thanks for the awesome night and I’m sorry. I hope we will meet again,” aniya sa mahinang tinig.
Pinulot na niya ang kanyang mga damit at isinuot. Ipinagpaliban na lamang niya ang totoo niyang pakay. Hindi puwedeng tumagal siya sa lugar na iyon. Nang matiyak na tulog na ang babae ay umalis na siya.