LALABAS pa sana ng bahay si Camia pero sinalubong siya ni Remus. Nabaling ang tingin niya sa kanang kamay nito na naliligo ng dugo. Nanlaki ang mga mata niya nang masaksihan ang nakakakilabot na hitsura ni Remus. May naiwan pang mantsa ng dugo sa labi nito. Nasilayan niya ang mga pangil nito at mapupulang mga mata. Maputla ang kulay ng balat nito. Tinutukan niya ito ng baril sa akalang hindi siya nito makikilala. "Drop your gun, darling. You can't kill me using that gun," sabi ni Remus. Unti-unting nanunumbalik sa normal ang anyo nito. Napawi ang kilabot niya. "A-anong nangyari?" pagkuwan ay tanong niya. "I killed them all. Go back inside, Camia," utos nito sa kanya. Pumasok naman siya. Sumunod kaagad si Remus at dumeretso sa kusina. Naghugas ito ng mga kamay. Sinundan niya ito. "Kail