Chapter Three

2815 Words
MALALAKI ang hakbang na pumasok si Camia sa lobby at sumugod sa boss. Taas-noong kinompronta niya ito. “Mawalang-galang lang, Sir, nakiusap na ako last day tungkol sa pagkawala ni Cole pero walang nakapagbigay sa akin ng maayos na sagot,” aniya sa magalang na tinig. Inalis naman ng lalaki ang suot nitong sunglasses saka isinabit sa kuwelyo ng damit nito sa dibdib. Awtomatikong tumitig siya sa mga mata nito. Nawindang siya nang makita ang gray eyeballs nito. Bumagay iyon sa katamtamang laki nitong mga mata na mas pinatingkad ng mahahabang pilik at katamtamang kapal na maayos nitong mga kilay. Hindi sapat ang salitang ‘guwapo’ para mailarawan ang mukha nito. Aminado siyang malakas ang s*x appeal nito at mas malakas kaysa litrato lang. Kalmado lang ito at deretso ang tingin sa mga mata niya. “Cole Juarez, one of our engine mechanics, right?” sabi nito at binalingan ang babaeng kasama nito. “Yes, sir,” mabilis na sagot ng babae. Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “So, is he your husband?” pagkuwan ay tanong sa kanya ng lalaki. Napansin niya ang maya’t-mayang pagsulyap nito sa gawi ng dibdib niya. “No, he’s my boyfriend. More than three days na siyang hindi umuuwi,” sagot niya. “Okay. Nagli-live-in na ba kayo?” tanong nito. “No.” Saka lamang niya napansin na masyadong personal ang mga tanong nito. Bumuntong-hinga ito. “Alright. Like what you heard from my secretary last day, we’re not obligated to investigate about Cole’s case. He chose to leave and he’s not our responsibility. So, if your relationship has been affected, I think that’s not my business. O baka naman talagang desisyon ng boyfriend mo na lumayo na lamang,” sabi nito. Nag-init ang bunbunan niya. “You’re such an irresponsible employer, Sir. You don’t even care about your employees,” buwelta niya. Nawawalan na siya ng kontrol sa kanyang sarili dahil sa inis. He gave her a smug smile. “You know, I’m busy person. I don’t have time to talk about nonsense topics,” he said. Pakiramdam ni Camia ay umabot sa lalamunan ang inis niya. “Nonsense? I just want a justice for my boyfriend’s case.  I know him at alam ko kung may nagbago sa kanya o kung may something sa mga ginagawa niya. Lahat ng kilos niya ay pinapaalam niya sa akin. Palagi siyang tumatawag,” aniya. “So, I think that’s too personal to discuss and I’m not the right person to talk about that. You should talk to the persons related to your dearest boyfriend. Kung may maitutulong ako, iyon ay cooperation for his missing case if we proved that he’s gone under our custody.” “That was exactly what I want, Sir. I want to see the CCTV video na huling kuha na naroon ang boyfriend ko,” aniya saka humiling. “That’s too much, lady. Mga authorized personnel lang from intelligence agency or group ang pinapahintulutan naming makasilip sa aming surveillance room but it depends on the situation.” Ipinakita niya rito ang ID niya sa intelligence agency na pinagtatrabahuhan niya. Tiningnan lang nito iyon at mukhang hindi ito kombinsido. “Nakapasuwerte ng boyfriend mo. You’re willing to do anything for him. You’re doing things that may bring you in risk,” pagkuwan ay wika nito. “Of course, I love him, so please, let me cooperate with your company regarding his case. I need your time to work with it,” samo niya rito. Panay ang buntong-hininga ng lalaki. Panay rin ang sipat nito sa gawi ng dibdib niya. Mamaya’y pilyo ang ngiting ipinamalas nito. “That’s wasting my time, Miss. I will assign one of my security officers to cooperate with you. Maiba ako, hindi mo ba naisip na baka sinadya ng boyfriend mo’ng hindi na magparamdam? Or baka nanlalamig na siya sa relasyon ninyo at gusto nang magpahinga. O kaya’y nakahanap na siya ng iba. You should understand the situation and if it was really a reason, you better move on.” Bigla siyang napikon sa sinabi nito. Tuluyang sumabog ang tinitimpi niyang inis. Hindi niya napigil ang kanyang sarili na sampalin ang lalaki. Bahagyang pumihit ang ulo nito pero hindi naapektuhan ang kaguwapuhan nito. Nanatili itong kalmado. May mga sumugod namang kalalakihan sa kanila upang sana’y awatin siya pero pinigil ang mga ito ni Remus. “I’m here to talk about my missing boyfriend at hindi para insultuhin mo. Kung wala kang itinatagong anumalya sa kumpanya mo, hindi mo babalewalain ang mga empleyado mong nawawala. Sorry if I hurt you. I’m just out of control,” matapang na wika niya. Seryosong tumitig sa kanya ang lalaki. “Isang sampal katumbas ng limang daang piso,” sabi nito. Dagli siyang dumukot ng buong limang daan sa wallet niya saka ibibigay sana sa lalaki ngunit maagap nitong hinawakan ang kamay niya. Ikinuyom nito ang palad niya na may hawak sa pera. Napakahigpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. Pakiramdam niya’y may taglay iyong malakas na bultahe ng kuryente na mabilis ding dumalantay sa bawat himaymay ng mga ugat niya. Hindi siya nakakilos. Lumapit pa ito sa kanya at marahang ipinaglandas ang mga daliri nito sa kanyang mga labi-pababa sa kanyang leeg. Umalma siya nang dumapo ang mga daliri nito sa puno ng dibdib niya at hinawakan ang pendant na suot niya. Titig na titig ito sa pendant. “I like your attitude, interesting and challenging. Alam mo ba’ng ikaw pa lang ang katangi-tanging taong nanakit sa akin? And that was embarrassing for my ego. But thank you, because I met you. Now I found my desire,” sabi nito sa malamyos na tinig. Nahimasmasan siya. Marahas na itinabig niya ang kamay nito. Hindi puwedeng tumagal siya sa ganoong sitwasyon. Kailangan niya ng sapat na lakas na hindi matatalo ng karesma ng simpatikong lalaking ito. “Hindi pa tayo tapos, Mister,” matigas na sabi niya. “Of course we’re not,” sagot lang nito sa malamig na tinig. Tinalikuran niya ito at walang likod-lingong lumisan.   PAGKATAPOS ng kaganapan sa lobby ay dumeretso si Remus sa kanyang opisina na nasa ika-limang palapag ng gusali. Sinundan kaagad siya ng personal bodyguard niya’ng si Torio. “Are you okay, Master?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Torio. “I’m fine, don’t worry,” sagot niya. “I think we have to investigate about Cole case. May teorya ako na maaring nadakip siya ng mga kaaway natin,” anito. “I just think about that but he’s not our priority now.” “What do you mean by that?” ‘takang tanong nito. “His girlfriend, ‘yong babae kanina. Suot niya ang pendant na siyang hinahanap nating susi,” aniya. “Sigurado po kayo?” “Yes of course. Nag-iisa lang ang susi na iyon.” “Kung gano’n, ano’ng gagawin namin doon sa babae?” “Wala kayong gagawin, maliban sa alamin ang pagkatao niya, name, profession and address. Ako ang bahala sa kanya,” sabi niya. “Pero kung nasa kanya ang susi, malamang kung nasa kamay ng mga kaaway si Cole, maaring nasabi na nito kung nasaan ang susi. Baka maunahan nila tayo. Bakit hindi na lang natin puwersahang kunin ang susi?” nababahalang sabi nito. “Naisip ko na ‘yan pero hindi naman ata tama ‘yon. Matapang ang babae at malamang hindi siya papayag na makuha ang kuwintas dahil mahalaga ito sa kanya. Maaring binigay sa kanya ni Cole ang kuwintas bilang regalo. Kailangan makuha ang loob ng babae.” “Pero napasama na po kayo sa kanya.” Saka lamang niya naisip kung ano ba ang maling nasabi niya bakit siya sinampal ng babaeng ‘yon. “Bakit ba siya na-offend at nagalit? Hindi naman masama ang sinabi ko ‘di ba?” aniya. “Masyado po kasing personal ang mga sinabi ninyo at maaring nasaktan siya.” Tumawa siya nang pagak. “I’m just sharing my opinion and the possibilities. Masyado na kasi siyang agresibo at iginigiit na may kinalaman tayo sa pagkawala ng boyfriend niya,” depensa niya. “We can’t blame her, Master. Masyado lang siyang nag-aalala sa boyfriend niya.” Nagtagis ang bagang niya. Hindi niya maintindihan bakit siya naiinis. Bumuntong-hininga siya. “Mas mabuti po siguro kung kunin na natin ang susi sa babae para palayain na rin ng mga kaaway si Cole at nang lubayan tayo ng babaeng iyon. Baka magpa-imbestiga pa siya at may makatuklas sa sekreto natin. Ako na po ang kukuha ng susi para hindi kayo mahirapan,” sabi ni Torio. “No. Wala kang  gagawin sa kanya, Torio. Bantayan mo lang ang galaw niya. She’s innocent. Ayaw kong madamay siya sa gulo.” “Akala ko ba ikaw na ang bahala sa kanya?” “I can’t protect her all the time at nakita mo naman kung paano niya ako tratuhin. Napakabayolente niya sa akin. Para bang sigurado siya na ako ang may kasalanan sa pagkawala ng boyfriend niya. Ganoon ba magmahal ang mga ordinaryong tao?” palatak niya. Napangiti si Torio. “Maaring labis lang ang pagmamahal niya sa boyfriend niya, Master. But I think it’s not your business.” “Yes, your right but I found her cute. Natutuwa ako sa kanya.” “Do you like her?” tanong ni Torio. Matiim na tinitigan niya si Torio. Saka niya na-realize na ang babaeng sumampal sa kanya ay nagparanas sa kanya ng satisfaction sa s*x. Mamaya ay pilyo siyang ngumiti. “I like her guts. Kung tama ang sinabi mo na mahal na mahal niya ang boyfriend niya, may posibilidad bang iibig pa siya sa ibang lalaki?” Umaandar na naman ang pagkainosente niya sa usaping pag-ibig. Ngumisi si Torio. “Posible po, depende sa sitwasyon. I’m just curious, Master. Did you meet the girl before?” Hindi niya alam kung tama bang ikuwento niya ang kanyang karanasan sa babaeng tinutukoy nito. Pero natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nagkukuwento. “Noong nagpunta ako sa apartment ni Cole para hanapin ang susi, may dumating na babae. Lasing siya. I didn’t expected the next scene. She seduced me. We had s*x that night. Huli ko nang nalaman na akala niya ako si Cole. Mukhang wala siya sa katinuan. I just felt guilt when I discovered that I’m the first guy who accepted her virginity,” kuwento niya. May ilang sandaling tulala si Torio. Pagkuwan ay tumawa ito nang pagak. “You don’t have to feel guilt, Master, that’s not your fault. Anyway, about the girl, would you like me to bring her to you?” anito pagkuwan. “No. Don’t do that. Ayaw kong isumpa niya ako pagkatapos na mabigo ko siya sa gusto niya. Kung talagang mahal niya si Cole, wala akong magagawa. Tutulong akong maibalik ang lalaking ‘yon ay kung puwede pa.” “Pero sa palagay ko’y gusto mo ang babaeng iyon.” “I don’t like her the way you interpret this, I guess. I just found her interesting, nothing special about it. Do your job and give me details about her,” seryosong wika niya. “Yes, Master. But I think you should avoid Cole’s girlfriend. She has a strong instinct and I guess she’s knowledgeable in intelligence work. What if makaisip siya na imbestigahan ka? Baka dahil sa kanya ay may makakaalam na sa tunay nating katangian,” nababahalang sabi ni Torio. Naisip na rin niya ang mga sinabi nito pero hindi siya natatakot, sa halip ay nae-excite siya. “Don’t worry, I can manage the situation. I want a challenge,” aniya. “Challenge?” untag nito. “I like the situation. Susi lang ang kailangan natin pero may mga sumusulpot na taong involve sa susi at ngayon ay wala na ito sa kamay ng unang holder. Parang gusto kong makipaglaro.” “Hindi po ba masydo nang risky ang naiisip ninyo? Abot kamay na natin ang susi. Baka mawala pa ito kung maglalaro pa kayo.” “It’s not just about the key Torio.” “So, is it about the girl?” kastigo nito. Hindi niya sinagot ang tanong ni Torio. “You’re asking too much, boy,” aniya sa matigas na tinig. “I’m sorry. I’m just wondering.” “Don’t think much. I need your additional protection for her outside. Just let me enjoy the game. I need to ease some boredom.” “You’re always my concern, Master, but take care.” “I will. Thanks for your loyalty.” Yumukod sa kanya si Torio. “I have to go,” sabi nito saka lumisan. Nang mag-isa na lang siya ay saka niya nagpag-isipang mabuti ang sinabi ni Torio na gusto niya ang girlfriend ni Cole Juarez. Muli rin niyang kinonsulta ang kanyang sariling damdamin. Imposible ang sinabi ni Torio. Buong buhay niya ay hindi siya nagkagusto nang mabilis sa isang babae kahit gaano pa ito kaganda at kaseksi. Pero aminado siya na may appeal sa kanya ang girlfriend ni Cole. Bukod sa maganda ang katawan nito, rare rin ang kagandahan nito. Nakadagdag s*x appeal para sa kanya ang katapangang pinakita ng babae. Maliban din sa pagkikita nila nang personal kanina, naunahan na siya ng pagnanasa simula noong nakatalik niya ito sa unit ng boyfriend nito. Hindi na bago sa kanya ang s*x dahil may mga dumaang babae sa buhay niya na sinubok ang p*********i niya pero wala sa mga iyon ang inaasam niyang satisfaction. Pagkatapos ang mga karanasan niya ay hindi na siya naghangad ng kasunod. Pero kakaiba ang girlfriend ni Cole, kahit first timer ay hindi siya binitin, sa halip ay nagnasa siya na maulit ang sandaling pinagsaluhan nila. Napangiti siya habang tumitipa ang mga daliri niya sa desk. “Why Torio insisted that I like Cole’s girlfriend? No, I don’t like her. I just felt lust, I guess,” wika niya nang makaluklok na siya sa swivel chair sa tapat ng office table niya. Pero mayamaya rin ay pabigla-biglang naiisip niya ang babae. Inalala na naman niya ang gabing pinagsaluhan nila. Hindi niya nakalimutan ang mukha nito noong kasama niya ito sa madilim na kuwarto. Malamang hindi siya nito namukhaan dahil lasing ito at wala itong kakayahang makakita sa dilim hindi katulad niya na maliwanag pa rin ang paningin kahit madilim. Nakakalamang siya roon. Pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang babae. Pero habang lumalaon ay lalo lamang lumalalim ang interes niya rito. Mamaya ay naisip niya si Cole. Simula noong nalaman niya na anak ng nanay niya si Cole ay lihim niya itong nilalapitan na hindi alam ni Torio. Ilang beses niyang binalak na makita ang nanay nila pero palagi siyang walang panahon. Matagal na niyang alam na si Cole ang sinasabi ni Torio na kapatid niya sa ina pero nagkukunwari siyang hindi siya aware. Kaya nang sabihin nito na isa sa empleyado nila ang lalaki ay hindi na siya nasorpresa. Pero hindi niya alam na wala na kay Cole at sa nanay nila ang susi na hinahanap niya. At noong namatay ang nanay nila ay lihim siyang pumunta sa huling burol. Nagsisi siya noon na hindi niya pinuntahan ang nanay niya habang buhay pa. Noong panahong iyon ay hindi niya inisip ang tungkol sa susi pero naisip na niya na maaring naibigay iyon ng nanay nila kay Cole. Ang totoo, iniisip din niya ang kalagayan ni Cole. Pero nag-aalangan siyang sabihin dito ang totoo nilang ugnayan dahil sa pangako niya kay Torio na walang ordinaryong tao na makakaalam tungkol sa tunay niyang katangian. Manganganib daw kasi ang buhay nila at posibleng hindi na sila makakapagtago. Pero minsan ay napapagod na siyang magtago. Gusto niyang mabuhay na parang normal na tao. Hindi siya tinuruan ni Torio na maging flexible at mapalawak ang kaalaman niya tungkol sa makamundong pangangailangan. Pinagsikapan lang nitong mapatapos siya ng pag-aaral sa isang pribadong unibersidad sa Amerika. Ang kayamanang alahas na baon nito ay naipagpalit nito sa pera at ginamit na puhunan para sa negosyo. Nangako ito sa kanyang ama na palalakihin siyang maayos at may pagmamahal pa rin sa kanilang lahi. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi siya papayag na dedepende lamang siya sa mga ideya nito. Gusto niyang maging independent at maranasan ang buhay ng ordinaryong tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD