SPECIAL CHAPTER THIRD PERSON'S P. O. V Three months later... Kasalukuyang nagmamadali si Arianna dahil araw ngayon ng kasal nila ni Jayden sa States at maski siya ay nagulat ng sabihin sa kanya ng lalaki na sa States sila magpapakasal dahil nung nakalabas siya sa hospital ay kinailangan na umuwi ng parents ni Arianna dahil may inaasikaso na ang mga ito na business kaya naman napagpasyahan ng lalaki na magpakasal sila sa States. "Bilisan mo na friend baka mahuli tayo sa wedding mo." sabi ni Tania sa kanya saka sila nagmadaling sumakay sa kotse saka iyon pinaandar ng driver. "Kinakabahan ako friend di ko alam ano ba ang dapat kong maramdaman." tensyonado na turan ni Arianna sa kanyang kaibigan. "Alam mo friend ganyan din ang naramdaman ko ng ikasal ako sa asawa ko kaya naman natura