CHAPTER 27 ARIANNA'S P.O.V Kakatapos lang naming mamasyal ng mga bata galing sa mall ng maisipan naming kumain sa restaurant. Papasok na sana kami sa restaurant ng makita namin si Warren. "Warren!" tawag ko sakanya. "Oh! Aery, himala kasama mo ang mga anak mo!" nakangising sabi ni Warren. "Malamang," sabi ko naman saka napairap sa sinabi niya. "Mommy siya ba yung boyfriend mo?" malungkot na sabi ni Yohann. "Mga anak kaibigan ko lang siya." sabi ko naman. "Talaga po?" nakangiting usal ni Jhorhen at tumango lang ako. "Call him Uncle Warren." sabi ko. "Hello po, Uncle Warren!" sobrang polite na sabi ni Drianna kaya naman napangiti ako. "Ano pasok na tayo sa loob para makakain na tayo?" sabi ko at suumunod nalang sila sakin. *** "Mga anak gabi na iuuwi kona kayo." sabi ko. "