Chapter 7 INIHATID ng tingin ni Sam si Franco habang nakasakay ito ng kotse nito. Kinakabahan man siya ay buo na ang kaniyang pasya na kausapin ang binata. Bahala na, pero kailangan niyang kumapit sa patalim ialo nagayon na kailangan niyang isalba ang bahay nila at ang coffee shop. Bumalik sa loob ng café si Sam, nilapitan naman siya ni Agnes, isa sa mga kasamahan niya sa panggabing shift nila. "Kilala mo ba iyon, Sam? Ngayon ko lamang siya nakita rito," sabi pa ni Agnes na sumilip mula sa labas. "Ah, madalas siya sa café... namin noon," aniya na muling nilagyan ng coffee beans ang expresso machine. "Ngayon lamang ba siya pumunta rito?" nagtataka niyang tanong. "Ah baka nagkataon lang na ngayon ko nakita. Ikaw, Rolly, nakita mo na ba iyong lalaking iyon na nagpunta rito?" tanong na